51,102 total reads
PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito.
Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence (AI), ipinagmamalaking semiconductor jockpot para sa Pilipinas. Magbibigay daw ito ng maraming trabaho, magpapalago sa ekonomiya.
Maganda ang framing ng proyektong ito. Ang tanong Kapanalig, ibinibenta na ba ng gobyerno ang ating mga lupain sa Pilipinas? Gaano kalawak ang lupain, water resources at energy ang magagamit sa proyektong ito?
Ang hindi akma Kapanalig, binibilang na natin agad ang kita. Naikunsedera ba natin ang mga epekto nito sa mga magsasaka? Ilang mga Aeta ang mawawalan ng tirahan? Ano ang pinsalang idudulot ng proyekto sa binabahang Pilipinas? Epekto ng proyekto sa kalikasan?
Sa isang simpleng pang-unawa, ang Pax Siilica ay isang uri ng hi-tech mining. Uubusin nito ang mineral at energy reserve ng bansa. Magdudulot ito ng matinding pinsala sa kalikasan.
Kapanalig, nasisilaw tayo sa pangakong industrialization, naisip ba natin na ang Pax Silica ay hindi para sa ating mga Pilipino?
Madalas Kapanalig, nakuluto tayong nga Piipino sa sarili nating mantika, lalu na talamak at nagiging kultura na sa Pilipinas, sa ating mga pinuno ang kawalan ng transparency.
Bakit sikat ang US global Pax Silica? Ipinagyayabang ng US State Department na ang panukalang Economic Security Zone sa New Clark City sa Pampanga ay bagong modelo, kauna-unahang para sa Pax Silica investment hubs sa alinmang bahagi ng mundo.
Ano ang pinangangambahan sa Pax Silica? Una-extraction ng critical minerals, expansion ng semiconductor assembly, test at packaging operations, data centers, supporting logistics, enerhiya at water infrastructure sa ilalim ng bias na capital investment regime.
Kapanalig, ang Pax Silica ay maituturing na bagong “tower of babel” na tinutukoy ni Pope Leo XIV sa kanyang encyclical na “ Magnifa Humanitas” Safeguarding the Human Person in the Time of Artificial Intelligence”.
Sa introduction no.10 ng Magnifica Humanitas, iginiit ni Pope Leo XIV na “We must, then, avoid the “Babel syndrome,” namely the idolatry of profit that sacrifices the weak, a uniformity that neutralizes differences, and the pretense that a single language — even a digital one — can translate everything, including the mystery of the person, into data and performance. The risk of dehumanization — of building a future that excludes God and reduces the other to a means — is an ancient and ever-new temptation that today takes on a technical guise. Instead, let us choose the “way of Nehemiah,” which highlights the importance of working together to make the City of God a safe place for returning exiles”.
Kapanalig, nangyayari ang destruction sa sandaling isinasantabi natin ang kapakanan ng kalikasan, kapakanan ng mamamayan para sa sinasabing pag-unlad.
Sumainyo ang Katotohanan.




