Lahat ng parokya, inatasang magsagawa ng “Zero-waste celebration”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,487 total reads

Hinimok ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya sa Diocese of Imus na gawing konkretong pagkilos ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng basura bago pa man ito malikha, partikular sa mga pista at malalaking pagdiriwang ng Simbahan.

Sa kanyang endorsement sa kampanya para sa Zero-Waste Church, binigyang-diin ni Bishop Evangelista na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang isang programa ng diyosesis kundi isang pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga mananampalataya.

“Indeed, ecological conversion is not simply a diocesan program but a transformation of our habits and values so that what seems waste for others becomes a source of new life through our responsible stewardship,” ayon kay Bishop Evangelista.

Apela ng diyosesis na magkaroon ang bawat parokya ng isang “Zero-Waste Celebration” ngayong 2026, na maaaring isang pista, malaking pagdiriwang, o pangunahing pagtitipon ng pamayanan.

Kabilang sa konkretong panawagan ang pag-iwas sa single-use plastic utensils sa mga salu-salo; sa halip ay gumamit ng mga nahuhugasan at maaaring gamitin muli.

Hinimok din ang mga parokya na iwasan ang pagpaparami ng mga tarpaulin at plastic banderitas, at sa halip ay gumamit ng isang reusable na fiesta announcement tarpaulin na maaaring baguhin at gamitin muli taun-taon, gayundin ng reusable cloth buntings.

Binigyang-diin ni Bishop Evangelista na magkakaugnay ang pangangalaga sa Sangnilikha at sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap at sa susunod na henerasyon.

Ito rin ang direksiyong binigyang-diin sa kanyang pastoral letter sa pagdiriwang ng Season of Creation 2026, na nakatuon sa temang “Living Water.

Sinabi ng obispo na ang pangangalaga sa Sangnilikha ay bahagi ng bokasyon ng mga mananampalataya at dapat maisalin mula sa panalangin at pagsamba tungo sa konkretong pagkilos.

Binigyang-diin naman ng diyosesis na ang layunin ng zero-waste celebration ay hindi magdagdag ng panibagong tuntunin sa mga parokya, kundi magbigay ng sama-samang maliit na hakbang bilang pagpapahayag ng pagmamahal sa Sangnilikha.

“Christian celebration is not measured by how much we consume, but by how much life and communion we create,” anila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,899 total reads

 50,899 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,628 total reads

 147,628 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,897 total reads

 191,897 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,006 total reads

 215,006 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,896 total reads

 287,896 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top