Layko, pangunahing katuwang ng simbahan sa misyon ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,774 total reads

Nanindigan ang isang obispo ng Simbahang Katolika na hindi lamang mga kalahok sa buhay ng Simbahan ang mga layko, kundi mga pangunahing katuwang din sa pagtupad ng misyon, lalo na sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa mundo.

Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa pagbubukas ng National Laity Week 2026 sa September 26, kung saan ang Diocese of Antipolo ang host ngayong taon.

“The laity are not merely participants in the life of the Church. You are the key players in sharing the Gospel with the world,” ayon kay Bishop Santos.

Ayon sa obispo, mahalagang kilalanin ng mga layko ang kanilang misyon bilang mga binyagang kabahagi sa misyon ni Kristo at isabuhay ang pananampalataya hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa pang-araw-araw na buhay.

Hamon ni Bishop Santos sa mga layko na dalhin ang Ebanghelyo sa mga lugar kung saan maaaring hindi palaging naroroon ang mga pari at mga relihiyoso.

“You are called to bring the Gospel into places where priests and religious may not always be present: in homes, offices, schools, businesses, government institutions, farms, factories, hospitals, digital spaces, and communities,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang bokasyon ng mga layko ay hindi lamang pantulong sa buhay ng Simbahan kundi kabahagi rin sa misyon, batay sa mga kaloob na tinanggap sa sakramento ng binyag.

Kaugnay nito, hinamon ni Bishop Santos ang mga layko na higit na ituon ang kanilang pananampalataya sa tanong kung ano ang hinihingi ni Kristo sa kanila para sa Simbahan at sa kapwa, sa halip na kung ano lamang ang maaaring gawin ng Simbahan para sa kanila.
Sinabi ni Bishop Santos na ang National Laity Week ay hindi lamang pagdiriwang ng presensya ng mga layko kundi isang pagkakataon upang muling pagtibayin ang kanilang misyon.

“This week, therefore, is not simply a celebration of the laity. It is also a renewal of your mission,” aniya.

Ipinaliwanag ni Bishop Santos na ang layunin ng buhay Kristiyano ay hindi lamang makilala, maipahayag, o sambahin si Kristo, kundi magkaroon ng buhay na tunay na nahuhubog ayon sa Kanya.

“Christ formed in us. Not merely Christ known by us. Not merely Christ spoken about by us. Not merely Christ worshipped by us. But Christ formed in us,” giit ng Obispo

Aniya, dapat makita ang paghuhubog ayon sa diwa ni Kristo sa mga iniisip, pinipili, pamilya, trabaho, at komunidad ng bawat Kristiyano, gayundin sa paraan ng paglilingkod, pagpapatawad, pamumuno, pagsasakripisyo, at pagmamahal.

Isasagawa ang opening ng National Laity Week 2026 sa Diocese of Antipolo kasabay ng pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje at ika-100 anibersaryo ng kanyang canonical coronation.

Pangungunahan ni Bishop Santos ang banal na misa sa alas siyete ng umaga, na susundan ng maiksing programa at magtatapos sa pagdalo sa pilgrimage sa pitong simbahan ng diyosesis na itinalagang Jubilee churches.

Dalangin ni Bishop Santos na samahan at panubayan ng Mahal na Birheng Maria ang mga layko sa kanilang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa, kapayapaan at pag-ibig, habang isinasabuhay ang kanilang misyon na dalhin si Kristo sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,332 total reads

 37,332 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,123 total reads

 73,123 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,393 total reads

 299,393 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,861 total reads

 192,861 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,891 total reads

 284,891 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top