2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,732 total reads

Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29 at 30, 2026 bilang panawagan sa pamahalaan na tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni PISTON President Mody Floranda na hindi lamang mga tsuper at operator ang direktang naaapektuhan ng oil price hikes kundi pati ang mga manggagawa at ordinaryong mamamayan dahil sa epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

“Sapagkat kasabay niyan [pagtaas ng presyo ng petrolyo] ay ‘yung pagtaas sa mga bilihin na hindi naman halos makasabay ‘yung maliit na kita’t sahod ng ating mga manggagawa.” Bahagi ng pahayag ni Floranda sa Radyo Veritas.

Kabilang sa pangunahing panawagan ng grupo ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at pagtanggal o pagsususpinde sa excise tax at value-added tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Floranda, malaking bahagi ng kinikita ng mga tsuper ang napupunta sa gastos sa krudo at mga buwis.

“Kaya’t itong mga drayber ay nakakakonsumo kami ng 30 liters per day, ay halos higit 500 pesos, 500 pesos kada araw ‘yung diretso sa buwis na binabayad natin sa pamahalaan.” Dagdag pa ni Floranda.

Para kay Floranda, hindi sapat ang mga pansamantalang ayuda kung hindi matutugunan ang mga polisiya na nakaaapekto sa presyo ng petrolyo.

“’Yung isa pang tulong pangkabuhayan na sinasabi ng gobyerno ay ito ay pating-pating, pating-pating lamang at hindi totally nire-resolve ng gobyerno ‘yung kasalukuyang kalagayan natin sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.” Ayon kay Floranda.
Iginiit din ni Floranda na sa halip na amyendahan lamang ang Oil Deregulation Law, nais ng grupo na tuluyang ipawalang-bisa ito, dahil sa pananaw ng grupo ay hindi nito naprotektahan ang interes ng mga tsuper, operator at consumer sa nakalipas na mga taon.

“Sapagkat napatunayan sa loob ng 28 taon na ito ay hindi naman talaga nagbalanse sa mga drayber at operator at sa ating mga mamamayan, kundi bagkus ay nagproprotekta lamang ito sa malalaking kumpanya ng langis.” Ani Floranda.

Binigyang-diin ni Floranda na hindi lamang sektor ng transportasyon ang dapat makialam sa usapin ng presyo ng petrolyo dahil direktang nakakaapekto ito sa halaga ng pagkain, serbisyo at pamumuhay.

“Ang isyu ng langis ay hindi lamang isyu ng mga tsuper at hindi lang isyu ng mga operator, kundi ito ay isyu ng mga mamamayang Pilipino. Sapagkat lahat ng galaw natin dito sa ating bansa ay nakatali, ‘no, nakasalalay sa presyo ng petrolyo.” Dagdag pa ni Floranda.

Ayon sa mga ulat, inaasahang lalahok sa tigil-pasada ang mga tsuper at operator kasama ang ilang labor, urban poor at commuter groups kung saan tinatayang hanggang 70,000 ang inaasahang sasali ayon sa PISTON.

Kabilang sa mga lugar sa Metro Manila na maaaring maapektuhan ng dalawang araw na tigil-pasada ang Cubao-Marikina-Antipolo, Commonwealth, España, Monumento, Novaliches, Baclaran, Pasig, Taguig, Sucat at Alabang.

Para kay Floranda, ang panawagan ng sektor ay nakaugat hindi lamang sa kabuhayan ng mga tsuper kundi sa epekto ng presyo ng langis sa buong lipunan.

“Kaya’t tayo ay nanawagan tayo sa ating mga mamamayang Pilipino na dapat maunawaan at dapat samahan ng mga commuter ‘yung anumang mga pagkilos ng sektor ng transportasyon sapagkat wala naman pong ibang titindig para ipagtanggol ang kabuhayan at karapatan sa serbisyo para sa mga mamamayan kung hindi po ang mga drayber at ang mga mamamayang Pilipino.” Panawagan ni Floranda.

Sa kasalukuyan sinabi ng Department of Energy, na nagpapatuloy ang fuel subsidy program para sa mga public transport operators at drivers kung saan pagsapit ng Setyembre 9, 2026 mahigit ₱718 milyon na fuel subsidies ang na-avail ng higit 102,000 PUV beneficiaries.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,520 total reads

 49,520 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,324 total reads

 146,324 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,593 total reads

 190,593 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,702 total reads

 213,702 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,675 total reads

 286,675 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top