33-porsiyento ng mga Pilipino, umaasang gaganda ang ekonomiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,243 total reads

Umaasa ang 33% ng mga Pilipino na gaganda ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan, ayon sa June 2026 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Leo Laroza, Director of Communications and Information Technology ng SWS, na nakaugnay ang pananaw na ito ng mga Pilipino sa ekonomiya sa kanilang sariling karanasan at inaasahan sa buhay.

“Kung sila ay gainers, mas malaki ang likelihood na they will also look at the economy positively. Nakita rin namin sa data na if the respondent is optimistic sa magiging kalagayan ng buhay nila sa susunod na taon, it also follows na nagiging generous din sila sa pagtingin sa state of the Philippine economy in the next year.” Bahagi ng pahayag ni Laroza sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Laroza na ang positibong pananaw noong Hunyo ay maituturing na partial recovery mula sa matinding pagbaba ng economic optimism noong unang bahagi ng taon.

Mula sa +6 noong Nobyembre 2025, bumagsak sa -14 noong Marso 2026 ang economic optimism ng mga Pilipino bago bahagyang umakyat sa +10 noong Hunyo.

Ayon kay Laroza, kabilang sa mga nakaapekto sa pananaw ng publiko ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, mga pangunahing bilihin, tensiyon sa Middle East at mga isyu ng korupsiyon.

“Itong June is actually more of a pagtigil sa negative feelings at nagkakaroon tayo ng konting ray of light sa masalimuot na pangyayari nitong first quarter. Hindi naman po tayo completely nakarecover if you compare it sa optimism nung 2021 to 2024 na nasa high +20s level.” Dagdag pa ni Laroza.

Bukod sa economic optimism, sinabi ni Laroza na may ilang iba pang indicators sa June 2026 survey na nagpapakitang bahagyang bumuti ang kalagayan kumpara noong Marso, kabilang na ang involuntary hunger na bumaba mula 23% noong Marso tungo sa 20% noong Hunyo, o 2.9 percentage points.

Binigyang-diin ni Laroza na hindi lamang ito pananaw o sentiment ng mga respondent kundi isang sukatan ng aktuwal na karanasan ng mga pamilyang nakaranas na walang makain.

“Hindi po subjective ‘yan. Hindi po feeling lang ‘yan. It’s an actual count ng ilang beses kayong nakaramdam ng gutom, na hindi nakakain in the past.” Ayon pa kay Laroza.

Gayunman, sinabi ni Laroza na hindi pa nangangahulugan ang pagbuti ng ilang indicators na tuluyan nang nakarekober ang bansa mula sa mga hamon na naramdaman noong unang quarter.

Ayon kay Laroza, nakakaapekto rin sa pananaw sa ekonomiya ang satisfaction ng publiko sa Pangulo at sa national administration, bukod sa personal na karanasan ng mga mamamayan.

Kasabay nito, sinabi niyang mahalagang bantayan ang magiging epekto ng mga kasalukuyang pangyayari sa susunod na SWS survey, kabilang ang mga isyung pampulitika at pang-ekonomiya na umuusbong matapos ang June survey.

“Makikita po natin ‘yung impact nung mga negative events na ‘yon, ‘yung giyera sa Iran, ‘yung corruption scandal. So, ito pong nakikita natin ngayong June, itong +10, itong bounce from that very low -14, ito po ‘yung partial recovery.” Ani Laroza.

Para kay Laroza, nananatiling mahalagang salik din ang kakayahan ng mga Pilipino na makaangkop sa gitna ng magkakasunod na hamon.

“If not quoting the data, masasabi ko rin talagang resilient po tayong mga Pilipino.” Dagdag pa ni Laroza.

Gayunman, ipinakikita ng survey na bagama’t bahagyang bumuti ang pananaw ng mga Pilipino sa ekonomiya noong Hunyo, hindi pa rin ito bumabalik sa mas mataas na antas ng optimism na naitala sa mga nakaraang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,455 total reads

 39,455 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 75,153 total reads

 75,153 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,423 total reads

 301,423 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,891 total reads

 194,891 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,801 total reads

 286,801 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top