Nalulugi ang transportasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427,782 total reads

Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel!

Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na alisin ang suspensyon sa fare hike dahil “dumudugo” na ang kanilang industriya. Anila, umaabot na sa 45% hanggang 60% ng kanilang operating costs ang napupunta sa pagpapagasolina.

Noong Marso, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) ang provisional fare increase para sa mga pampublikong transportasyon. Pero bago pa ito maipatupad, ipinahinto ito ni Pangulong Bongbong Marcos habang nagpapatuloy ang giyera sa Middle East.

Ngayon, nananawagan na ang mga bus operators na alisin na ang suspensyon na ito. Lumalaki na rin kasi ang iba pa nilang gastusin gaya ng modernization loans, spare parts, maintenance, insurance, toll fees, at iba pang regulatory requirements. Dagdag pa sa mgma ito ang inaasahang pagtaas ng sahod ng kanilang mga empleyado. Nauunawaan nila na makaaapekto sa mga mananakay ang pagtaas ng pamasahe. Pero katwiran nila, kung hindi sasabay ang pamasahe sa operations costs nila, maaaring umabot sa puntong hindi na makapagbibiyahe ang mga bus nang ligtas at maayos. Baka mawalan din ng trabaho ang mga driver, konduktor, mekaniko, at iba pa.

Hindi simpleng usapin ang taas-pasahe. Totoong may pinagdaraanan ang mga operators at drivers. Totoo ring naghihigpit ng sinturon ang mga pasahero.

Hindi lamang mga bus operators ang nananawagan ng fare hike. Nagpaplano ng pambansang welga ang grupong PISTON at Manibela dahil sa kalagayan ng sektor ng transportasyon. Hinihiling din nilang tanggalin ang mga buwis sa langis, pagbaba ng presyo ng krudo, at pagrepaso sa Oil Deregulation Law, na nagbibigay sa mga kumpanya ng langis ng malaking kalayaan sa pagtatakda ng presyo.

Ayon naman sa gobyerno, “last resort” na ang taas-pamasahe. Patuloy nitong sinusuportahan ang mga PUV sa pamamagitan ng fuel discounts at iba pang ayuda. Mas pabor ang gobyerno sa tinatawag na targeted subsidies para sa mga sektor na higit na nangangailangan kaysa sa malawakang pagtanggal ng excise tax sa diesel at gasolina. Ayon sa Department of Finance, maaari kasing mawalan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 12 bilyong piso na kita bawat buwan kung sususpindihin ang buwis sa petrolyo.

Sa gitna ng magkakaibang panawagang ito, ano ang nais ng Simbahan na magsilbing gabay natin?

Paalala sa atin ng 1 Corinto 12:26, “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.” Ipinaaalala sa mga salitang ito ang prinsipyo ng solidarity—magkakaugnay ang ating buhay at may pananagutan tayo sa isa’t isa. Kapag nahihirapan ang mga operators, apektado ang mga pasahero. Kapag hiráp ang mga pasahero sa mas mataas na pamasahe, apektado rin ang kabuhayan ng mga drivers at operators.

Ang hamon sa gobyerno ay tiyaking hindi sa isang sektor lamang mapupunta ang bigat ng krisis. Kailangang timbangin ang pangangailangan ng mga operators at drivers na mapanatili ang kanilang serbisyo at kabuhayan, gayundin ang kakayahan ng mga ordinaryong mamamayan na tustusan ang mga pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ito ang diwa ng common good, ang panlipunang kapakanan at kaunlaran ng buong komunidad. Kaakibat dito ay ang patuloy na panawagan para sa pagtatapos ng digmaan sa Middle East at suporta sa makatarungang peace process.

Mga Kapanalig, wala pang malinaw na katapusan ang oil crisis, pero malinaw na hindi lamang ito problema ng mga bus operators, jeepney drivers, at mga commuters. Problema ito ng lahat dahil magkakaugnay ang ating buhay at kabuhayan. Nawa’y magkaroon ng karunungan ang ating mga pinuno para makahanap ng tugon na makatarungan at isinasaalang-alang ang kapakanan ng lahat. Dapat tandaan ng pamahalaan: ang tao ang dapat manatiling sentro ng bawat tugon sa krisis.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 89,086 total reads

 89,086 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 174,496 total reads

 174,496 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 238,337 total reads

 238,337 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 319,514 total reads

 319,514 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 398,366 total reads

 398,366 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Special treatment?

 89,088 total reads

 89,088 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 174,498 total reads

 174,498 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 238,339 total reads

 238,339 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 319,516 total reads

 319,516 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »
Scroll to Top