60-pisong umento sa minimum wage, kulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,812 total reads

Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas ng halaga ng pamumuhay ang dagdag na ₱60 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni De Guzman na bagama’t makatutulong ang dagdag-sahod, malayo pa rin ito sa halagang kinakailangan ng mga manggagawa upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
“Good news at bad news. Kasi good news dahil kahit papaano makakatulong ang dagdag na ₱60 sa ating mga manggagawa dahil sa kalagayang hirap na hirap ‘yung buhay dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon. Pero bad news ‘yan dahil ‘yan ay nagsimula sa 85, Wage Order No. 27, tapos biglang binawi at ginawang 60.” Bahagi ng pahayag ni De Guzman sa Radyo Veritas.

Ayon kay De Guzman, mas mababa pa rin ang ₱60 na dagdag-sahod kaysa sa una nang hinihinging ₱200 ng mga manggagawa, at higit na malayo sa tinatayang cost of living na aabot na sa ₱1,312.

“Kaya dapat mga ₱500 sana o mahigit ang idadagdag. Pero bumagsak sa 85, tapos ay sige, ‘Okay na,’ eh binaba pa hanggang sa 60.” Dagdag pa ni De Guzman.

Kinuwestiyon din ng labor leader ang proseso ng pagtukoy sa dagdag-sahod, partikular ang kawalan ng sapat na konsultasyon sa mga kinatawan ng mga manggagawa.

Inihayag din ni De Guzman na hindi rin sapat ang kasalukuyang minimum wage upang matugunan ang aktuwal na gastusin ng isang manggagawa at ng kanyang pamilya.

“Dapat ang pinaka-just at fair sa ating mga manggagawa, kahit na hindi ‘yun living wage, kahit na lang ‘yung cost of living.” Ayon pa kay De Guzman.

Sa ilalim ng ₱60 na dagdag, mula sa ₱695 ay magiging ₱755 ang arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila, ngunit ayon kay De Guzman ay malayo pa rin ito sa halagang kinakailangan batay sa kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Dagdag pa ni De Guzman, hindi rin buo ang halagang natatanggap ng mga manggagawa dahil sa iba’t ibang kaltas sa kanilang sahod, kabilang ang mga kontribusyon at buwis.

Samantala, binigyang-diin din ni De Guzman ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo sa mga manggagawa, lalo na sa mga gumagamit ng motorsiklo upang makaiwas sa trapiko at sa mga driver na araw-araw na umaasa sa kanilang kita.

“Ang problema ngayon, dahil sa tumaas ang presyo ng gasolina at tsaka ‘yung krudo… ang laki ng nawawala sa mga manggagawa natin. ‘Yung mga driver, nakakaawa.” Ani De Guzman.

Ayon kay De Guzman, kinakailangan din ng mga hakbang upang mapababa ang presyo ng petrolyo, kabilang ang pagtugon sa mga buwis na ipinapataw dito.

“Ang kailangan lang, ‘yung political will ng ating Pangulo na sana alisin na ‘yung VAT muna o kaya ‘yung excise tax para mapababa ‘yung presyo ng gasolina.” Ayon pa kay De Guzman.

Sa bahagi ng Simbahang Katolika, ang sahod ay hindi lamang usapin ng ekonomiya kundi bahagi rin ng dignidad sa paggawa at karapatan ng bawat manggagawa na magkaroon ng disenteng pamumuhay, kung saan sa harap ng pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, petrolyo at iba pang pangunahing pangangailangan, nananatiling mahalaga ang panawagan para sa mga patakarang inuuna ang dignidad ng tao, kapakanan ng pamilya, at common good, kasabay ng makatarungang pagtrato sa parehong manggagawa at mga maliliit na negosyante.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 1,813 total reads

 1,813 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

VP Sara at asawa, may 51-baril

 18,108 total reads

 18,108 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 10,210 total reads

 10,210 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 40,398 total reads

 40,398 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 88,663 total reads

 88,663 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 110,753 total reads

 110,753 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 209,995 total reads

 209,995 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 19,839 total reads

 19,839 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top