Mga Pari, mensahero ni kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,048 total reads

Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng kanilang sariling kahinaan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas sa kanyang homiliya sa Thanksgiving Mass para sa ika-25 anibersaryo ng pagkapari ni Rev. Fr. Ramon Jade Licuanan, Rector at Parish Priest ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang na isinagawa kasabay ng Kapistahan ng mga Arkanghel na sina San Miguel, San Gabriel at San Rafael.

Inalala rin ni Archbishop Villegas ang ordinasyon ni Fr. Licuanan at ng kanyang mga kasabay na pari 25 taon na ang nakararaan, kung saan siya mismo ang naggawad ng ordinasyon sa atas noon ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

“Sapagkat alam ko sa sandaling ‘yon, nang yakapin ko sila isa-isa bilang bagong pari, alam ko niyayakap ko ang walang hanggan… I knew I was embracing eternity as I embraced those new priests 25 years ago,” Bahagi ng pagninilay ni Archbishop Villegas.

Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng Pari ay nararanasan ng mga mananampalataya ang presensya ni Kristo.

“’Di ba tuwing yayakapin nila tayo, alam nating niyayakap tayo ng Diyos? ‘Di ba alam natin na kapag nagsasalita sila ay kinakausap tayo ng Diyos? … Kapag sila ay kasama natin, alam natin si Hesus ang kasama natin?” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Iniugnay din ng Arsobispo ang pagkapari sa kapistahan ng mga arkanghel, na ang ibig sabihin ay mga mensahero ng Panginoon.

“Ang pari ay messenger, at hindi lamang siya messenger, messenger siya ng pinakamataas, pinakamalalim, at pinakadakilang message sa ating lahat… ang ating Panginoong Hesu-Kristo.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Gayunman, nilinaw ni Archbishop Villegas na ang mga Pari ay hindi mga anghel na walang kahinaan, sa halip ay pawang mga tao ring maaaring matukso, magkamali, magsisi at muling bumangon sa awa ng Diyos.

“A priest is an angel, but on the other hand, a priest is not an angel because we are made of flesh and bone, and because of that, we can be tempted, we can fall, we can stumble, but by the mercy of God, maaaring bumangon at maaaring magsimulang muli.” Ani Archbishop Villegas.

Sa kanyang pagninilay, sinabi rin ni Archbishop Villegas na ang bawat pari ay maaaring maging tulad ni Gabriel na nagdadala ng Mabuting Balita, ni Miguel na tagapagtanggol laban sa masama, at ni Rafael na kaagapay ng mga nasa kahinaan.

“Subalit walang paring anghel, sapagkat ang bawat pari ay mahina, at sa kanyang kahinaan, pinalalakas, pinagaganda ng Diyos.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Samantala, nagpasalamat din si Archbishop Villegas kay Fr. Licuanan at sa kanyang mga kasamang pari sa kanilang 25 taon ng paglilingkod sa Simbahan.
“Thank you for being good priests. Thank you for showing us the face of God. Thank you. When we see you, we see God.” Pagtatapos ni Archbishop Villegas.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,049 total reads

 3,049 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 13,750 total reads

 13,750 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,310 total reads

 54,310 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,622 total reads

 81,622 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 129,887 total reads

 129,887 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,379 total reads

 151,379 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,964 total reads

 24,964 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,939 total reads

 24,939 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top