Mananampalataya, hinimok na ipagdasal ang kaligtasan laban sa banta ng karahasan at el nino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,567 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na magdasal ng Santo Rosaryo araw-araw lalo ngayong Oktubre, kung saan itinalaga ng Simbahang Katolika bilang ‘Holy Rosary Month’.

Hiling ng arsobispo ang pagdarasal sa natatanging intensyong mawakasan ang mga karahasan sa mundo at proteksiyon ng mga mamamayan laban sa panganib at masasamang epekto ng Super El Niño.

“This October, I ask everyone to pray the Rosary daily for two special intentions: for an end to wars, violence, and conflicts throughout the world, and for the protection of our people from the dangers and harmful effects of Super El Niño,” paanyaya ni Arcbishop Uy.

Hinikayat ng arsobispo ang mga parokya, paaralan, pamilya, gayundin ang mga Basic Ecclesial Communities na sama-samang manalangin ng rosaryo.

“Pray it personally. Pray as a family. Pray it with friends. And I encourage our parishes, schools, and Basic Ecclesial Communities to gather and pray the Rosary together,” pahayag ng arsobispo

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na hindi dapat manatili sa panalangin lamang ang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga mamamayan, lalo na sa epekto ng Super El Niño, kundi dapat itong sundan ng konkretong pagkilos.

“And as we pray for protection, let our prayer lead us to action—especially by conserving water, caring for creation, and helping those who may be most affected,” giit ng arsobispo.

Batay sa pagtataya ng mga eksperto, inaasahang mararanasan sa huling bahagi ng 2026 at sa mga unang bahagi ng susunod na taon ang matinding tagtuyot, habang patuloy namang nararanasan sa iba’t ibang dako ng mundo, partikular sa Middle East, ang mga digmaan.

Itinalaga ang buwan ng Oktubre para sa Santo Rosaryo bilang pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo na ginugunita ang kapistahan tuwing October 7.

Itinatag ni Pope St. Pius V ang kapistahan noong 1571 upang ipagdiwang ang itinuring na ‘miraculous victory’ ng mga Kristiyano sa nangyaring Battle of Lepanto noong October 7, 1570.

Sa bawat misteryo ng Santo Rosaryo ay nagsasalaysay at nagninilay sa buhay ng Panginoong Hesukristo, kasama ang Mahal na Birhen sa pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 63,209 total reads

 63,209 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 103,768 total reads

 103,768 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 128,242 total reads

 128,242 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 176,510 total reads

 176,510 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 196,145 total reads

 196,145 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top