Diocese of Tarlac, pangungunahan ang “One Million Children Praying the Rosary”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,159 total reads

Inaanyayahan ang mga paaralan, parokya at komunidad sa buong Pilipinas na makiisa sa “One Million Children Praying the Rosary” ngayong Oktubre 7, 2026, Kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary.

Ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-21 anibersaryo ng pandaigdigang prayer campaign na inilulunsad ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) upang pag-isahin ang mga bata sa pananalangin ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan sa mundo.

Isasagawa ang pangunahing pagdiriwang ngayong taon sa pangunguna ng San Sebastian Cathedral School of Tarlac, Inc. sa Diocese of Tarlac mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga.

Sa paanyaya nina ACN Philippines National Director Maximillan Ventura at ACN Ecclesiastical Assistant Rev. Fr. Reynaldo V. Romero, hinihikayat ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa Pilipinas ang mga paaralan at faith communities na tipunin ang mga bata, guro at iba pang miyembro ng komunidad upang sama-samang manalangin, maging sa mga silid-aralan, kapilya o kani-kanilang tahanan.

“This year, we celebrate the 21st anniversary of ‘A Million Children Praying the Rosary,’ a worldwide prayer movement uniting children across the globe in invoking peace through the simple yet powerful prayer of the Rosary.” paanyaya ng ACN-Philippines.
Ayon sa ACN-Philippines, ang kampanya ay hango rin sa pananalita ni Saint Padre Pio na “When a million children pray the Rosary, then the world will change.”

Maaaring makiisa ang mga parokya, paaralan at komunidad sa pamamagitan ng pagpaparehistro, pagtitipon sa pananalangin at pagsubaybay sa live broadcast ng pagdiriwang sa mga opisyal na online pages ng ACN Philippines at Diocese of Tarlac, habang maaari ring sumali sa pamamagitan ng Zoom ang mga komunidad na nais maitampok sa live feed.

Hinihikayat din ang mga kalahok na magbahagi ng larawan o maiikling video ng kanilang pakikilahok upang maging bahagi ng pandaigdigang panalangin.

“May our children, with their pure hearts and childlike faith, truly become little pilgrims of hope, bringing peace and light to our families, our Church, and our world.” Dagdag pa ng ACN-Philippines.

Sa pamamagitan ng Santo Rosaryo, inaanyayahan ang mga bata na maging mga munting saksi ng pananampalataya at mga tagapagdala ng panalangin para sa kapayapaan sa kanilang pamilya, Simbahan at buong mundo.

Ang One Million Children Praying the Rosary ay gaganapin sa Oktubre 7, 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga, sa pangunguna ng Diocese of Tarlac.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 111,816 total reads

 111,816 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 152,379 total reads

 152,379 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 173,339 total reads

 173,339 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 221,606 total reads

 221,606 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 239,317 total reads

 239,317 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top