Kilalanin ang mukha ni Hesus sa mga taong dukha, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,058 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na kilalanin ang mukha ni Hesukristo sa mga taong nakakasalamuha sa araw-araw lalo na sa mga nahihirapan at mahihinang sektor ng lipunan.

Ito ang mensahe ng kardinal sa kanyang homiliya sa pagbubukas ng exhibit ng Holy Shroud of Turin sa Manila Cathedral ngayong October 2.
Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang debosyon sa Holy Face ay dapat humantong sa kongkretong pagkilos, pagkakawanggawa at pagkalinga sa mga nangangailangan.

“The Holy Face of Jesus is not a static painting. It is not a historical relic locked away safely inside the Holy Face of Jesus Museum in Quiapo. If you want to see the Holy Face alive today, you must look at the suffering faces of our society,” ayon kay Cardinal Advincula.

Kabilang sa tinukoy ng kardinal ang mga manggagawang nagsusumikap araw-araw para sa pamilya subalit nahaharap sa mahihirap na sitwasyon dahil sa kasalukuyang kalagayan ng mga pampublikong transportasyon sa bansa.

Gayundin ang mga matatandang pinababayaan ng kanilang pamilya, at mga batang nagugutom at walang nag-aaruga at palaboy sa mga lansangan.
Hinamon din ng Kardinal ang Missionary Sisters of the Holy Face of Jesus na ipagpatuloy ang kanilang misyon ng “reparative love.”

“My dear Holy Face Sisters, your mission of reparative love is to make those suffering faces smile again. Where the world rejects God, you must bring the warmth of His countenance,” ayon sa kardinal.

Samantala, sinabi ni Sr. Claudine Lawrice Esguerra, MSHFJ, coordinator ng Holy Face of Jesus Devotion Propagation, na layunin ng exhibit na ipadama sa mga peregrino ang tunay na diwa ng presensya at pag-ibig ng Diyos at mahikayat na higit itong ipadama sa kapwa.

“So I hope that when people visit, they would feel God’s presence, feel God’s love, and be enabled to love others and love God,” pahayag ni Sr. Esguerra sa Radyo Veritas.

Kasabay ng exhibit ang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng unang pagpapakita ng Shroud of Turin sa Pilipinas noong 1976.

Tampok sa exhibit ang mga replica ng Holy Shroud of Turin, isang three-dimensional image ng taong nasa Shroud, Passion relics, at iba pang larawan at relikya na kaugnay ng debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus.

Bukas sa publiko ang exhibit mula October 3 hanggang 16, alas-siyete ng umaga hanggang alas-sais ng gabi sa Manila Cathedral, St. Jude at Blessed Souls Chapel.

Sa huli, hinimok ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na gawing konkretong buhay ang kanilang debosyon.

“Maging mukha tayo ni Hesus para sa isa’t isa. Be the face of God to a broken world,” giit ni Cardinal Advincula.

Kasama ni Cardinal Advincula sa banal na pagdiriwang at pagpasinaya sa exhibit sina Bishops Ruperto Santos, Renator Mayugba, Bernardino Cortez, Buenaventura Famadico, at Honesto Ongtioco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 14,393 total reads

 14,393 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 99,798 total reads

 99,798 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 163,641 total reads

 163,641 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 252,064 total reads

 252,064 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 334,441 total reads

 334,441 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top