1,137 total reads
Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga mananampalataya na makikita si Kristo sa bawat gawain ng pakikiisa sa mga mahihirap, lalo na habang naghahanda ang Simbahan para sa World Day of the Poor sa Nobyembre.
Binigyang-diin ni Archbishop Brown na mahalagang kilalanin ng mga Kristiyano ang bawat taong nakararanas ng kahirapan bilang pagkakataon upang maglingkod kay Kristo, alinsunod sa turo ni Hesus na, “whatever you did to the least of my brothers, you did to me.”
Ayon sa Arsobispo, partikular itong mahalagang paalala sa Pilipinas kung saan madalas nakikita ang mga mahihirap sa mga lansangan, barangay at komunidad, kabilang sa Metro Manila.
““All of us need to see in each poor person that we come in contact with an opportunity for us to serve Christ and to see Christ in that person. And the Church has always taught that. Just like in the famous Gospel of
the rich man and Lazarus, which is a great Gospel to meditate on, the point is to take care of the poor now because later on, the poor will be interceding for you when you leave this earth and are going to heaven. And also, let’s remember that they will help us make it into heaven. And let’s also remember that spiritually from God’s perspective, when he looks at you and me, he sees somebody who’s poor,” ayon sa panayam kay Archbishop Brown sa programang Baranggay Simbayanan ng Radyo Veritas 846
Ibinahagi rin ni Archbishop Brown ang aral mula sa talinghaga tungkol sa mayamang lalaki at si Lazarus, na nagpapaalala sa tungkulin ng bawat isa na tumugon sa pangangailangan ng mga mahihirap habang may pagkakataon, dahil sila rin ay maaaring maging mga tagapamagitan para sa atin sa harap ng Diyos.
Binigyang-diin niya na hindi kailangang lutasin ng isang tao ang buong problema ng kahirapan sa mundo upang makatulong, dahil maaaring magsimula ito sa simple, konkreto at personal na pagtugon sa isang mahirap na humihingi ng tulong.
Ayon kay Archbishop Brown, ang bawat pakikipagtagpo sa isang taong nangangailangan ay pagkakataon upang ipakita ang pagmamahal kay Kristo, lalo na sa pamamagitan ng direktang pagkalinga sa mga taong humihingi ng tulong.
“We need very, very consciously to understand that every encounter we have with a poor person is an opportunity for us to love Christ. And I say that very, very clearly. It doesn’t mean that we can solve world poverty, you know, you can’t solve world poverty. We can do our best. But what you can do is help that poor person who has knocked on the window of your car. It’s very simple, very concrete, very direct, very personal,” bahagi pa ng panayam kay Archbishop Brown sa programang Baranggay Simbayanan.
Sa ikatlong linggo sa buwan ng Nobyembre ay gugunitain na ang ika-sampung taon ng World Day of the Poor matapos itong simulan noon ng yumaong Santo Papa na si Pope Francis, na may temang “The Lord Is the Refuge of the Poor”.




