Epekto ng tag-init, pinaghahandaan na ng mga ospital

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,139 total reads

Naghahanda na ang mga ospital para sa posibleng epekto sa kalusugan ng matinding init na maaaring maranasan kaugnay sa epekto ng inaasahang Super El Niño.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, President ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) na kailangang maging handa ang mga health facilities sa posibleng pagdami ng mga pasyenteng makararanas ng heat-related illnesses.

Kabilang sa mga tinukoy ng eksperto ang mga kaso ng heat stroke, dehydration at ilang sakit na maaaring maiugnay sa kakulangan ng malinis na tubig.

“Palagi naman pong nakahanda ang ating mga ospital. Ang inaaasahan po na posibleng mangyari kapagka natuloy talaga itong Super El Niño ay ‘yung sobrang init ng panahon, at so medyo ihahanda tayo sa mga tinatawag natin dati na mga heat stroke, posibleng ganun po; dehydration kasi kulang po, mainit, baka hindi tayo masyadong nakakainom ng mga tubig.” Bahagi ng pahayag ni De Grano sa panayam sa Radyo Veritas.

Kakulangan sa tubig, maaaring magdulot ng iba pang panganib

Bukod sa heat stroke at dehydration, binigyang-diin ni De Grano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat at malinis na tubig upang maiwasan ang mga sakit na maaaring kumalat dahil sa hindi ligtas na pagkain at tubig.

Aniya, maaaring maging problema ang kakulangan sa tubig para sa kalinisan, lalo na sa mga lugar na makararanas ng matinding epekto ng tagtuyot.

“Dahil po sa kakulangan din ng tubig, alam niyo naman, ang pinakamagaling pa ring panlinis natin ay tubig. So pagka ganun, eh siyempre ‘yung mga cholera at leptor at mga ganun, na diarrhea, na ganyan, ay sa hindi malinis na pagkain.” Dagdag pa ni De Grano.

Nagbabala rin siya sa posibleng pagdami ng dengue kung hindi maayos na mapangangasiwaan ang mga iniimbak na tubig sa tahanan.

Ayon kay De Grano, maaaring pamugaran ng lamok ang mga lalagyan ng tubig na napapabayaan, kaya mahalagang panatilihing malinis at maayos ang mga ito.

“Eh alam niyo na, ‘yung iba naman nag-iimbak ng tubig. Pero minsan napapabayaan, doon naman namumugad ang mga vector ng ating dengue, ‘yung mga lamok. Minsan napapabayaan natin. So ‘yun po, minsan tumataas din ‘yung mga sakit na katulad ng dengue.” Ayon pa kay De Grano.

Paghahanda sa heat stroke
Ipinaliwanag naman ni De Grano na kabilang sa unang hakbang sa pangangalaga sa mga makararanas ng heat stroke ang pagdadala sa kanila sa mas maaliwalas at mas malamig na lugar at pagbibigay ng sapat na hydration.

“Pagka ‘yung mga heat stroke na ganyan, siyempre lalagay natin sila sa mga lugar na medyo maayos ang hangin at saka para mapalitan natin kung ano man ‘yung kanilang mainit na kapaligiran, and then bibigyan naman po natin sila… ‘yung pagha-hydrate po ng tubig na kailangan-kailangan.” Ani De Grano.

Pinayuhan din niya ang publiko na higit na mag-ingat sa mga miyembro ng pamilya na mas vulnerable sa epekto ng matinding init, kabilang ang mga may mahinang immunity at may comorbidities.

“Ang inaa-ano lang natin, siyempre, mag-iingat po tayo, lalo na po ‘yung mga kasama natin sa bahay na medyo mahina po ang immunity, may mga kasamang mga comorbidities, kaya dapat po, ‘yun lang po, mag-ingat tayo at kumunsulta po sa ating mga ospital at sa mga clinic kung kinakailangan.” Dagdag pa ni De Grano.

Paalala ng mga eksperto, sa harap ng posibleng matinding init na maaring idulot ng Super El Niño mahalaga ang sapat na pag-inom ng ligtas at malinis na tubig, maayos na pangangasiwa ng mga iniimbak na tubig, pag-iwas sa matagal na pagkakalantad sa matinding init, at agarang pagkonsulta sa health professionals kapag kinakailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 87,576 total reads

 87,576 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 119,306 total reads

 119,306 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 221,131 total reads

 221,131 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 261,691 total reads

 261,691 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 278,489 total reads

 278,489 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 55,629 total reads

 55,629 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top