Pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap, isang paglilingkod kay Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,378 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga mananampalataya na makikita si Kristo sa bawat gawain ng pakikiisa sa mga mahihirap, lalo na habang naghahanda ang Simbahan para sa World Day of the Poor sa Nobyembre.

Binigyang-diin ni Archbishop Brown na mahalagang kilalanin ng mga Kristiyano ang bawat taong nakararanas ng kahirapan bilang pagkakataon upang maglingkod kay Kristo, alinsunod sa turo ni Hesus na, “whatever you did to the least of my brothers, you did to me.”

Ayon sa Arsobispo, partikular itong mahalagang paalala sa Pilipinas kung saan madalas nakikita ang mga mahihirap sa mga lansangan, barangay at komunidad, kabilang sa Metro Manila.

““All of us need to see in each poor person that we come in contact with an opportunity for us to serve Christ and to see Christ in that person. And the Church has always taught that. Just like in the famous Gospel of
the rich man and Lazarus, which is a great Gospel to meditate on, the point is to take care of the poor now because later on, the poor will be interceding for you when you leave this earth and are going to heaven. And also, let’s remember that they will help us make it into heaven. And let’s also remember that spiritually from God’s perspective, when he looks at you and me, he sees somebody who’s poor,” ayon sa panayam kay Archbishop Brown sa programang Baranggay Simbayanan ng Radyo Veritas 846

Ibinahagi rin ni Archbishop Brown ang aral mula sa talinghaga tungkol sa mayamang lalaki at si Lazarus, na nagpapaalala sa tungkulin ng bawat isa na tumugon sa pangangailangan ng mga mahihirap habang may pagkakataon, dahil sila rin ay maaaring maging mga tagapamagitan para sa atin sa harap ng Diyos.

Binigyang-diin niya na hindi kailangang lutasin ng isang tao ang buong problema ng kahirapan sa mundo upang makatulong, dahil maaaring magsimula ito sa simple, konkreto at personal na pagtugon sa isang mahirap na humihingi ng tulong.

Ayon kay Archbishop Brown, ang bawat pakikipagtagpo sa isang taong nangangailangan ay pagkakataon upang ipakita ang pagmamahal kay Kristo, lalo na sa pamamagitan ng direktang pagkalinga sa mga taong humihingi ng tulong.

“We need very, very consciously to understand that every encounter we have with a poor person is an opportunity for us to love Christ. And I say that very, very clearly. It doesn’t mean that we can solve world poverty, you know, you can’t solve world poverty. We can do our best. But what you can do is help that poor person who has knocked on the window of your car. It’s very simple, very concrete, very direct, very personal,” bahagi pa ng panayam kay Archbishop Brown sa programang Baranggay Simbayanan.

Sa ikatlong linggo sa buwan ng Nobyembre ay gugunitain na ang ika-sampung taon ng World Day of the Poor matapos itong simulan noon ng yumaong Santo Papa na si Pope Francis, na may temang “The Lord Is the Refuge of the Poor”.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,488 total reads

 21,488 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 46,057 total reads

 46,057 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 116,557 total reads

 116,557 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 203,072 total reads

 203,072 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 246,095 total reads

 246,095 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 293,999 total reads

 293,999 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top