Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 110,852 total reads

Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu. Ayon sa Department of Foreign Affairs, ginawa ito ng kinatawan ng Pilipinas bilang pakikiisa sa panawagan para sa kapayapaan sa Middle East sa pamamagitan ng pagpapatupad ng two-state solution. 

Sa ilalim ng balangkas na ito, hahayaan ang Palestine na magtatag ng sariling estado sakop ang mga lugar na kinaroroonan ng mga Palestino gaya ng West Bank at Gaza Strip. Samantala, ang Israel naman ay hihinto na sa pananakop sa ibang teritoryo at makukuntento na sa lugar kung nasaan ang mga mamamayan nitong Hudyo.

Pero patuloy na humaharap sa maraming hamon ang two-state solution. Kabilang dito ang tinatawag na “East 1 Settlement Plan” na naglalayong magtatag ng mga Jewish settlements mula East Jerusalem hanggang West Bank. Noong Agosto lamang, naglabas ang Ministry of Housing ng Israel ng notice na nag-aanyaya ng bids para sa pagtatayo ng mahigit 1,200 housing units. Sa madaling salita, sinasakop na ng Israel ang Palestine, bagay na itinuturing na ilegal sa ilalim ng international law.

Kaya paano maisasakatuparan ang two-state solution kung patuloy na nababawasan ang espasyong kailangan para maitatag ang State of Palestine?

Mahalaga ang tanong na ito dahil ang two-state solution ay nakasalalay sa pagkakaroon ng sapat na teritoryo para sa dalawang bansa. Nananatiling malinaw at matatag ang posisyon ng mga Santo Papa at Vatican sa usaping ito: ang two-state solution ang paraang makapagbibigay-daan sa tunay na katarungan at pangmatagalang kapayapaan sa bahaging iyon ng ating mundo.

Patuloy ang matinding pagdurusa ng mga Palestinians. Sa isang ulat ng UN Independent International Commission of Inquiry, sinabi nitong ang Israel ay nakagawa na ng apat na gawaing maituturing na genocide sa ilalim ng Genocide Convention. Ang mga ito ay ang pagpatay, pagdudulot ng matinding pinsala sa kalusugang pisikal at pangkaisipan ng mga tao, paglikha ng mga kondisyong naglalayong magdulot ng pagbubura sa mga Palestino sa Gaza, at mga hakbang na target pigilan ang pagkakaroon ng mga anak ng mga Palestino. 

Lumabas ang ulat na ito noong isang taon pa, pero hanggang ngayon nagpapatuloy ang ginagawang karahasan ng Israel sa Gaza. Bakit hindi pa rin ito tumitigil?

Mahalaga ang bawat buhay. Ang pagpatay at pagdurusa ng mga sibilyan ay hindi dapat maging normal o tanggapin bilang hindi maiiwasang bunga ng digmaan. Ang bawat tao ay may likas na dignidad at karapatang mabuhay na lubhang pinahahalagahan natin dapat bilang mga Kristiyano

Mahalaga rin ang international law. Para sa Pilipinas, na umaasa sa mga tuntunin ng international law sa pagtatanggol sa ating mga karapatan sa West Philippine Sea, mahalaga ring maging pare-pareho tayo sa paninindigan na dapat igalang ang mga batas na nagtatakda ng matiwasay na ugnayan ng mga bansa.

Sa gitna ng pagdurusa ng mga taga-Gaza sa harap ng panggigipit ng Israel at mga kaalyado nito, panghawakan natin ang paalala sa Mga Awit 29:11: “Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kanyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kanyang bayan ng kapayapaan.” Ang kapayapaang ipinapanalangin natin ay nakaugat sa katarunggan, dignidad, at paggalang sa buhay ng bawat tao—hindi lamang sa kawalan ng digmaan.

Mga Kapanalig, paalala rin sa atin ni Pope Leo XIV: “There is no future based on violence, forced exile, or vengeance.” Kaya piliin natin ang isang kinabukasan kung saan kapayapaan, kahinahunan, at katarungan ang namamayani. Patuloy sanang manindigan ang Pilipinas para sa mas mapayapang solusyon sa sigalot sa pagitan ng Palestine at Israel. Sa ganang atin naman, patuloy nating ipanalangin ang pananaig ng diyalogo kaysa karahasan, ng kapayapaan kaysa pagdurusa.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 11,759 total reads

 11,759 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 110,853 total reads

 110,853 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 155,120 total reads

 155,120 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 178,233 total reads

 178,233 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 252,621 total reads

 252,621 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 11,760 total reads

 11,760 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Huwag mag-panic

 155,121 total reads

 155,121 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 178,234 total reads

 178,234 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 252,622 total reads

 252,622 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »
Scroll to Top