Simbahan, hinimok na samahan ang mga ‘persons deprived of liberty’ o PDL sa pagbabago at rehabilitasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,008 total reads

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng mga persons deprived of liberty o PDL at pagbibigay sa kanila ng pagkakataong magbago at makapagsimula muli.

Ito ang mensahe ng cardinal sa kanyang pagninilay sa Misa para sa paglulunsad ng ika-39 na Prison Awareness Week ng Simbahang Katolika, na pinangunahan niya sa Good Shepherd Chapel ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Intramuros, Manila.

Ayon kay Cardinal Advincula, bagama’t kailangang panagutin ang mga nagkasala, hindi dapat mawalan ng dignidad ang isang tao dahil lamang sa kanyang mga pagkakamali.

Binigyang-diin ng pinunong pastol ng Maynika na hindi dapat ikulong ang pagkatao ng isang indibidwal sa pinakamasamang bagay na nagawa niya. Hindi nangangahulugang kinukunsinti ang pagkakasala ang pagkilala sa dignidad ng nagkasala, kundi ang pagkilala na may pagkakataon pa siyang magbago sa tulong ng awa ng Diyos.

“A person is more than the worst he or she has done. We must uphold justice and accountability, but we must also remember that a person is more than the worst he or she has done. We do not excuse wrongdoing, but neither do we allow wrongdoing to erase human dignity. The message of the Gospel is simple: ‘You have made a mistake, but you are not a mistake.’ God’s mercy allows us to see beyond the offense and recognize the person,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ayon pa sa cardinal, mahalagang samahan ng Simbahan ang mga PDL sa kanilang pagbabago at rehabilitasyon sa pamamagitan ng paggabay, pakikinig at pagbibigay ng pag-asa, upang maihanda silang muling makibahagi sa lipunan.

Hinimok din ni Cardinal Advincula ang publiko na iwasang husgahan ang isang tao batay lamang sa kanyang nakaraan, dahil maaari pa siyang bumuo ng panibagong yugto ng buhay.

Iniuugnay rin ng cardinal ang mensaheng ito sa ensiklikal na Fratelli Tutti ni Pope Francis, na nagbibigay-diin sa pagkakapatiran, pagkakaisa at paggalang sa dignidad ng bawat tao, lalo na ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Binigyang-diin ng cardinal na hindi lamang dapat nakatuon sa pagkakapiit ang sistema ng pagwawasto. Dapat din itong magbigay ng pagkakataon sa mga PDL na kilalanin ang kanilang mga pagkakamali, akuin ang pananagutan, ayusin ang maaari pang maituwid at maghanda para sa mas mabuting kinabukasan.

Aniya, maaaring magsimula ang pagbabago sa maliliit na hakbang, gaya ng taos-pusong pag-uusap, pananalangin, pagsisisi, muling pakikipag-ugnayan sa pamilya at pagbabalik ng pag-asa.

Tema ng ika-39 na Prison Awareness Week ang Healing and Transformation in the Correctional Community: Witnessed to by a Synodal Church Touched by God and His Love. Layunin nitong palawakin ang kamalayan ng publiko sa kalagayan ng mga PDL at itaguyod ang kanilang paggaling, pagbabago at rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 171,822 total reads

 171,822 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 243,413 total reads

 243,413 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 276,860 total reads

 276,860 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 312,157 total reads

 312,157 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 531,865 total reads

 531,865 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top