Batas na nagbibigay proteksyon sa karapatan at dignidad ng PWDs, dapat mahigpit na ipatupad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,920 total reads

Hinamon ng Autism Society Philippines ang pamahalaan na mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa karapatan at dignidad ng persons with disabilities (PWDs), kasunod ng mga insidente ng pangungutya at pang-iinsulto sa mga taong may kapansanan.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Mona Magno-Veluz, national spokesperson ng Autism Society Philippines, may mga probisyon sa Magna Carta of Persons with Disabilities na nagpaparusa sa pang-iinsulto o pangungutya sa isang tao gamit ang kaniyang kapansanan.

Ayon kay Magno-Veluz, maaari ring dumulog sa kinauukulang awtoridad ang mga biktima ng pambu-bully sa paaralan o trabaho kung hindi maresolba ang usapin sa pamamagitan ng mga umiiral na proseso sa institusyon.

Binigyang-diin niyang hindi lamang usapin ng pagpapatawad o pakikipagkasundo ang pananagutan ng mga lumalabag, kundi pagkilala rin sa pagkakamali at pagsunod sa batas.

Samantala, isinusulong ng kanilang organisasyon ang mas malawak na suporta para sa mga taong may autism, kabilang ang libreng therapy at mga serbisyong pang-interbensiyon, gayundin ang pangmatagalang pangangalaga sa mga nasa hustong gulang na.

‘“Ito po ay isang acknowledgement na meron kang ginawang mali that is against the law. Hindi na po ito base sa kung pinatawad ka ng taong na-offend mo. Ito po ay pagsunod na sa batas. Hindi po ito tungkol lamang sa reconciliation at pagiging forgiving.,’ ayon sa panayam kay Magno-Veluz sa programang Veritas Pilipinas.

Ayon kay Magno-Veluz, bagama’t mahalaga ang mga umiiral na batas, kailangan pa ring tugunan ang mga kakulangan sa serbisyo ng pamahalaan, lalo na para sa mga taong may autism na nangangailangan ng suporta kahit wala na ang kanilang mga magulang.

Sinasabi ng Corinthians 12:12–26: Ang Simbahan tulad ng katawan ng tao ay mayroong magkakaibang parte at naka-desenyo upang pagsilbihan ang katawang tao. Mayroong parte sa katawan ng bawat tao na mahina, hindi akma sa standard ng iba ngunit ay binibigyan ng special honor ng panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 10,166 total reads

 10,166 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 116,772 total reads

 116,772 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 202,883 total reads

 202,883 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 273,016 total reads

 273,016 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 306,210 total reads

 306,210 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top