2,055 total reads
Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways
Kinumpirma ni PCO Secretary Lino Cayetano ngayong umaga sa Malacañang ang panibagong Cabinet movement kung saan muling ibinalik si Dizon bilang kalihim ng DOTr, habang si Lopez naman ang papalit sa kanya sa DPWH.
“The President’s direction is clear: Secretary Dizon will accelerate results at Transportation, and Secretary Lopez will strengthen and sustain reforms at Public Works. This is how the President leads. He puts the right people where they can deliver the most. The mission stays the same: a government that works faster, serves better and makes life easier for every Filipino,” ayon pa kay Cayetano.
Inatasan ng Pangulo si Dizon na ituon ang pansin sa mga commuter sa pamamagitan ng pagpapasimula ng mga pagbabago sa LTO tulad ng pagpapaikli sa mga pila at pagsawata sa mga fixer, pati na ang pagpapabilis sa pagpapatayo ng mga critical mass transport project sa bansa.
Mababatid na unang itinalaga si Dizon bilang DOTr Secretary noong February 2025 bago sya inilipat ni Pangulong Marcos sa DPWH noong September 2025.
Samantala, inihayag din ng Palasyo na ang abogado at CPA na si Lopez naman ang magpapatuloy at magpapatatag sa mga sinimulang reporma laban sa korapsyon sa DPWH, habang pabibilisin din ang pagpapatayo ng iba pang infrastructure projects sa bansa.




