Ipanalangin ang apostolic journey ni Pope Leo XIV sa Latin America

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,448 total reads

Hinikayat ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang mga mananampalataya na samahan sa panalangin si Pope Leo XIV sa kanyang apostolic journey sa Latin America, na kinabibilangan ng Uruguay, Argentina at Peru.

Sa kanyang ulat bilang Vatican Correspondent ng Radio Veritas, sinabi ni Fr. Gaston na mahalagang pagkakataon ang mga paglalakbay ng Santo Papa upang makadaupang-palad ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mga obispo, pari, madre, seminarista, lay leaders, opisyal ng pamahalaan, diplomat at mga ordinaryong mamamayan sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa Pari, hindi lamang mga simbahan at komunidad ng mga mananampalataya ang dinadalaw ng Santo Papa sa kanyang mga paglalakbay, kundi maging ang mga maysakit, bilanggo, ulila at iba pang nangangailangan ng kalinga.

“Tuwing may pinupuntahan, hindi ‘yan bisita lang sa Simbahan, kundi bisita din sa government,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag din ni Fr. Gaston na karaniwang inaanyayahan din ang Santo Papa ng mga presidente at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga bansang kanyang binibisita.

Ayon sa Pari ang mga apostolic journey ng Santo Papa ay nagdudulot ng maraming biyaya sa Simbahan, kabilang ang pagpapalakas ng pananampalataya at paghikayat sa mga bokasyon sa pagpapari at pagmamadre.

“Kung titingnan natin kung saan naka-visit ‘yung Pope ay usually dumadami din ‘yung vocations, bokasyon sa pagka-pari o ‘di kaya sa pagmamadre,” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Pagbabahagi pa ni Fr. Gaston, “Hindi lamang ‘yan kundi ang ating vocasyon bilang mga Kristiyano ay lalong napapalakas. Salamat sa Diyos at lalong napapadasal ‘yung mga tao,”

Ibinahagi rin ni Fr. Gaston ang mensahe ni Pope Leo XIV sa mga kabataan sa kanyang pagbisita sa Argentina, kung saan hinimok sila ng Santo Papa na maging tapat at seryoso sa kanilang pamumuhay bilang mga Kristiyano na paanyaya hindi lamang para sa mga kabataan kundi para sa lahat ng mananampalataya.

“Lahat tayo ay may ganung tungkulin, may ganung hamon, may ganung assignment na galing sa Panginoon na isabuhay natin ang ating pagiging Kristiyano,” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Bilang bahagi ng kanyang update, ibinahagi rin ng Pari ang personal niyang karanasan sa mga nakaraang pagbisita ng mga Santo Papa sa Pilipinas, kabilang ang World Youth Day noong 1995 sa panahon ni Pope John Paul II at ang apostolic visit ni Pope Francis noong 2015.

Inalala rin ni Fr. Gaston ang kanyang pagiging bahagi ng media delegation na sumama kay Pope Francis sa kanyang paglalakbay sa Sri Lanka at Pilipinas, kabilang ang pagbisita sa Tacloban upang makapiling ang mga pamilyang nasalanta ng Super Typhoon Yolanda.

Ayon sa Pari, sa kabila ng masamang panahon at pangambang hindi matuloy ang pagbisita, ninais mismo ni Pope Francis na maipagpatuloy ang kanyang pagpunta sa Tacloban.

“Si Pope mismo gusto niya na matuloy talaga ang bisita, ang pagpunta niya sa Tacloban,” Ani Fr. Gaston.

Ibinahagi rin ni Fr. Gaston ang naging papel ng mga paring Pilipino sa Vatican Radio noong World Youth Day 1995, kung saan tumulong silang tiyaking ang aktuwal na mga pahayag at homiliya ni Pope John Paul II ang mailalathala at maipararating sa publiko.

Ipinaliwanag din ng Pari na may mga pagkakataong nagdaragdag o nag-aalis ng bahagi sa inihandang teksto ang Santo Papa, kaya mahalagang maitama kaagad ang mga kopya upang ang aktuwal na mensahe ang maipamahagi.

“Pinapakinggan ‘yung mga speech, ‘yung mga homily ng Santo Papa, Pope John Paul, at chine-check namin kung ‘yung actual niya na sinabi ay sang-ayon doon sa mga naka-prepare na text,” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Sa kabila ng layo ng Pilipinas sa mga bansang kasalukuyang binibisita ni Pope Leo XIV, hinikayat ni Fr. Gaston ang mga Pilipino na makiisa sa kanyang paglalakbay sa pamamagitan ng panalangin.

“Samahan natin ‘yung ating Santo Papa sa kanyang biyahe,” Panawagan ni Fr. Gaston.

Binigyang-diin ng Pari na ang mensahe ng Santo Papa ay hindi lamang para sa mga taong personal niyang nakakasalamuha sa kanyang mga pagbisita, kundi isang hamon sa buong Simbahan na maging tapat na halimbawa ng pananampalataya.

Sa diwa ng misyon ng Simbahan, ang mga apostolic journey ng Santo Papa ay nagpapaalala sa mga mananampalataya ng kanilang tungkuling isabuhay ang Ebanghelyo, palakasin ang pananampalataya at maging instrumento ng paglilingkod at pag-asa sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 124,155 total reads

 124,155 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 185,846 total reads

 185,846 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 231,554 total reads

 231,554 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 332,822 total reads

 332,822 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 396,317 total reads

 396,317 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top