Panuntunan sa pagdaraos ng simbang gabi, inilabas ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,220 total reads

Naglabas ang Archdiocese of Manila ng mga panuntunan para sa pagdaraos ng 2026 Simbang Gabi o Misa de Aguinaldo, upang matiyak ang maayos at wastong pagdiriwang ng tradisyong Katoliko bilang paghahanda sa Pasko.

Sa liham sirkular na inilabas noong Nobyembre 12, 2026 binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kahalagahan ng paghahanda sa pagsilang ni Hesukristo sa pamamagitan ng tradisyong siyam na araw na Misa bilang parangal sa Mahal na Birheng Maria, ang ina na nagdalang-tao sa Tagapagligtas.

Ayon sa liham sirkular, ang tradisyong ito ay isinasagawa bilang pagpapahayag ng pananampalataya at sama-samang paghahanda ng mga mananampalataya sa pagdiriwang ng Pasko.

Pinahihintulutan ang pagsisimula ng mga panggabing Simbang Gabi nang hindi mas maaga sa alas-sais ng gabi, habang ang huling Misa sa madaling-araw o umaga ay maaaring magsimula nang alas-5:30 ng umaga.

Para naman sa mga panggabing Misa tuwing karaniwang araw, maaaring gamitin ang mga pagbasa at panalangin para sa susunod na araw bilang pastoral accommodation.

Gayunman, hindi ito pinahihintulutan sa Misa tuwing Linggo ng gabi upang mapanatili ang natatanging kahalagahan ng Araw ng Panginoon.

Nilinaw din ni Cardinal Advincula na kailangang gamitin ang Gloria at puting kasuotan ng pari sa lahat ng Simbang Gabi, kabilang ang mga Misa tuwing Linggo, habang ang Credo o pagpapahayag ng pananampalataya ay isasama lamang tuwing araw ng Linggo.

Sa mga Simbang Gabi tuwing Linggo, mananatiling gagamitin ang mga pagbasa at panalangin para sa araw na iyon, kasama ang Gloria, Credo at puting kasuotan.

Samantala, sa mga regular na Misa tuwing Linggo na hindi bahagi ng Simbang Gabi, violet vestments ang gagamitin at hindi isasama ang Gloria.

Kinakailangan naman ang pahintulot ni Cardinal Advincula para sa pagdaraos ng Simbang Gabi sa mga kapilya, tanggapan at iba pang lugar na hindi saklaw ng mga kinikilalang Simbahan, dambana, chaplaincy at mga kapilyang kinikilala ng parokya kung saan regular na ipinagdiriwang ang Banal na Misa.

Layunin ng mga panuntunang ito na mapanatili ang wastong pagdiriwang ng liturhiya habang pinahahalagahan ang tradisyong Simbang Gabi bilang paghahanda ng sambayanan sa pagsilang ni Kristo.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 124,127 total reads

 124,127 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 185,818 total reads

 185,818 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 231,526 total reads

 231,526 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 332,794 total reads

 332,794 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 396,290 total reads

 396,290 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top