90,738 total reads
Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte?
Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang ng depensa na ang prosecution panel ay naka-rely lamang sa “half-truth at malicious speculation.
Noong nakaraang lunes, ika-9 ng Nobyembre 2026, ang pagkakataon ng depensa na patunayan sa mga Pilipino na nabigo ang prosekusyon sa kanilang mga alegasyon laban sa bise-presidente. Unang ibinalandra ng depensa si Davao city assessor Jaime Adalin, ngunit naging “pisot” ang testimonya at nabunyag pa ang “all paid travel” sa China na kasama pa ang opisyal ng Davao LGU.
Unang testigo ng depensa, walang alam sa mga kinukuwestiyon na ari-arian ng mag-asawang Duterte… nauwi pa sa pasaring ng isang Senador-judge na “para tayong niloloko ng testigo na ito”.
Pagkatapos ni Adalin, pangalawang testigo ng depensa si Samal City assessor John Kenneth Enumerables upang patunayan ang isa pang ari-arian ay naideklara sa SALN ni VP Duterte. Ngunit mayroong problema, sa property record, ang ari-arian sa Barangay San Isidro ngunit sa SALN, ang address ay Barangay Matanos. Hindi rin alam ng testigo kung ano talaga ang lugar ng kinukuwestiyong ari-arian.
Kapanalig, pangalawang defense witness.,walang napala, sabi ng prosekusyon, pagsasayang ng oras at pera ng taumbayan. Pangatlong testigo… si Davao city accountant Vingelin Bajan, muntik pang ipa-contempt of court ng mga senator-judges dahil sa pagsisinungaling at pagiging wala na namang alam.
Sa katanungan kaugnay sa accounting partnership.. nagkaroon ng memory loss, maging ang kanyang lagda at withdrawal sa partnership., hindi niya alam. Nakatatlong testigo na ang depensa na puro sablay. Ang script Kapanalig, “wala silang alam”, pinatestigo lang sila para sabihin na walang ginawang masama ang among si Inday Sara.
Ang million dollar questions Kapanalig, anong klaseng mga abagado ang defense panel ni VP Duterte?
Bakit iniharap ng depensa sa impeachment court ang mga testigo na nahihirapan sa mga katanungan kaugnay sa records at aktibidad ng pangalawang pangulo. Kumbaga sa palakasan, ang mga testigo ng depensa ay mga panggulo lamang. Iniharap ba sila upang mapahaba ang paglilitis?
At kapansin-pansin, kung paano naging agresibo ang mga kaalyado ni VP Sara na Senator-judges sa mga testigo ng prosekusyon, natameme ang mga ito sa walang alam na mga testigo ng depensa.
Pang-apat na testigo ng depensa, si Atty. Suzette Balucanag-Punay, corporate counsel ng GenCorp Industries at Metro City Chow Foods upang linisin ang pangalan ni VP Sara sa 55-milyong pisong hindi idineklarang corporate money. Sa halip, nagbukas pa ng maraming “legal trap” ang testimonya nito ng amining tumanggap ang akusado ng 2.14-milyong piso mula 2022 at 2025 na tinawag ni Presiding Officer Escudero na “return on investment”. Binayaran si VP Sara ng 2.14-milyon ng GenCorp, pero wala daw itong investment, at hindi din ito stake holder ng kumpanya?
Kapanalig, ang paulit-ulit na kuwento o scripted na narrative ng kampo ni VP Duterte.., butas-butas na… hindi na maaring pagtagpi-tagpiin pa.
Kapanalig, kailan kaya natin maisasabuhay ang sinasabi ng 1 Peter 3:10-11 na “For, whoever would love life and see good days, must keep their tongue from evil, and their lips from deceitful speech.They must turn from evil and do good;they must seek peace and pursue it”.
Sumainyo ang Katotohanan.




