Social Protection

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,051 total views

Kapanalig, napakahalaga ng social protection, ngunit ito ay isang konseptong hindi gaanong nauunawaan ng maraming Pilipino.

Ang social protection, kapanalig, ay ating safety net. Isipin natin kapanalig, hindi tayo laging may trabaho, o malakas, o may pera. Pagdating sa panahon na salat tayo sa kabuhayan at kita, pati na rin sa kalusugan, saan tayo pupunta? Ang social protection, kapanalig, ay isa dapat sa ating mga sandigan.

Hindi ba’t pag may sakit ang isang Pinoy, at miyembro siya, halimbawa, ng SSS o GSIS, nakakautang siya o nakakatanggap ng sickness o disability benefit? Hindi ba’t pag matanda na ang isang manggagawa, at miyembro siya ng mga social insurance facilities na ito, nakakatanggap siya ng pension na umaagapay sa kanyang pagtanda? Malaking ganansya talaga, kapanalig ang social protection, mula pagsilang pa lang ng tao hanggang kamatayan.

Ang mga conditional cash transfer (CCT) programs, kapanalig, gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang uri rin ng social protection. Ito ay nagbibigay ng cash grants sa mga maralitang pamilya kapag nafulfill nila o nagawa ang ilang mga kondisyon, gaya ng regular na medical check-up at pagpasok ng kanilang mga anak sa paaralan. Ayon sa Asian Development Bank, mula sa maliit na pilot na 6,000 na pamilya lamang ang kasapi, lumago na ang coverage nito sa 4.46 milyong pamilya noong 2014.

Maganda sana ang benepisyo ng mga programa ng social protection gaya ng CCT kung patuloy na isasaayos ang pamamalakad nito. Binibigyang tulong kasi nito ang tunay na maralita at binibigyan access sila sa mga batayang serbisyo ng bayan. Ngunit kung mali ang pag-gamit nito ng mga beneficiaries at mali rin ang implementasyon nito, hindi nito natatamo ang tunay nyang layunin: ang iwaksi ang kahirapan sa bansa, sa kasalakuyan hanggang sa kinabukasan.

Isa sa mga emerging o lumalabas na paraan upang mapabuti pa ang CCT sa bansa ay ang pag-gamit at pag-invest sa ICT o information and communications technology. Isa kasi itong paraan upang mas maayos na mai-target ang tunay na maralita, malaman kung tunay nga nilang nagagamit ang mga benepisyo nito, at kung kailan nila nagagamit ito. Ang monitoring at evaluation ay mas madali nang magagawa, na malaki ang kontribusyon sa pagpapabuti pa ng programa.

Kapanalig, sa mga programang ganito, malaki ang investments o puhunan ang kailangan. Kung susuriin mo, ito ay wika nga, “investment well made” dahil buhay at bayan ang nakataya. Ngunit pakatandaan, hindi lamang gobyerno ang susi sa tagumpay nito, kundi disiplina rin mula sa mga benepisaryo.

Ang social protection kapanalig, ay pro-poor. At ang mga pro-programs ay laging ineengganyo at pinupuri ng ating Simbahan, kahit sino pa ang namamalakad nito. Isang inspirasyon mula sa panlipunang turo ng simbahan ang Deus Caritas Est, na nawa’y pukawin ang ating puso at isipan: Ang kahirapan ay walang puwang sa isang mundong nananalig at nagmamahal sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,651 total views

 58,651 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,265 total views

 133,265 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,344 total views

 213,344 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 256,483 total views

 256,483 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,094 total views

 254,094 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,653 total views

 58,653 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,267 total views

 133,267 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,346 total views

 213,346 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 256,485 total views

 256,485 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top