Mga kabataan, hinamong ipasa ang pananampalataya sa susunod na henerasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Labing limang libong mga kabataan mula sa sampung Diyosesis sa buong Pilipinas ang nagsama-sama sa Singles and Youth Faith on Fire (SYFOF) Conference na Relentless 2017 sa Smart Araneta coliseum.

Ayon kay Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco, maituturing na biyaya mula sa Diyos ang presensiya ng mga kabataan na malaki ang naiaambag sa pag-unlad at patuloy na paglago ng isang lipunan.

“Una, itong mga pagtitipon na ito ay isang pagkakataon upang buhayin sila [kabataan] at bigyan ng magandang guidelines how they could be gift to God’s people and to the world. Sila ay isang magandang handog para sa ating lipunan, para sa mga tao at iyan ang ating dapat idiin sa kanila na marami silang maiaambag sa kanilang talino, sa kanilang kakayahan at sa kanilang dedikasyon,” pahayag ng Obispo.

Pinangunahan ng Lord’s Flock Catholic Charismatic Community New Generation Ministry ang taunang youth-gathering na naglalayong mas pag-alabin ang pananampalataya ng mga kabataan sa buong bansa.

Kaugnay nito ay naniniwala si Lord’s Flock US-based Youth Leader Erin Troy Flores na sa pamamagitan ng paggabay ng Panginoon ay malalampasan ng bawat kabataan ang temptasyon at magiging simula ng inaasam na pagbabago sa komunidad.

“Truly as we all know that the world today is filled with a lot of destructions and temptations especially for the youth which pull them away from God so it is important that we put more effort for them to remain in God’s grace and God’s presence,” pagbabahagi ni Flores.

Kaugnay nito, hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga dumalo na ipasa sa susunod na henerasyon ang pananampalataya na ipinakilala ni Hesus sa sangkatauhan.

Ang Relentless 2017 ay ika-anim na bahagi ng SYFOF Conference Series and Concerts na nagsimula noong 2012 na may temang Firestarter na sinundad ng Ablaze noong 2013, Wildfire noong 2014, Illuminate noong 2015 at We are Tour naman noong 2016.

Sa kanyang mensahe sa 2014 World Youth Day, inaatasan ni Pope Francis ang mga kabataan na maging tagapaghatid ng pagkakaisa at tagapanumbalik ng kapayaan sa mundo taglay ang pusong maawain at may takot sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,705 total reads

 9,705 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,702 total reads

 44,702 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 81,186 total reads

 81,186 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,397 total reads

 99,397 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 183,217 total reads

 183,217 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,058 total reads

 216,058 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,445 total reads

 355,445 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top