Simbahan, naalarma sa tumataas na bilang ng mga nasasawing Marawi bakwits

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total reads

Ikinababahala na ng Simbahang Katolika ang tumataas na bilang ng Marawi evacuees na namatay sa may 68 evacuation centers sa Lanao del Sur, Cagayan de Oro at Iligan city bunsod ng iba’t-ibang karamdaman.

Base sa monitoring ng Department of Health, umabot sa 59-evacuees mula sa kabuuang 20,627 na bakwits ang namatay sa mga evacuation center bunsod ng dehydration, upper respiratory diseases at diarrhea.

Kaugnay nito, magsasagawa ng pagpupulong ang iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika katuwang ang Diocese of Iligan upang mapag-isa at mas mapabilis ang ginagawang pagtulong sa mga Internally Displaced Persons mula Marawi bukas ika-25 ng Hulyo, 2017.

Sa pangunguna ng Caritas Manila at Radyo Veritas 846, tatalakayin ng grupo ang kasalukuyang sitwasyon ng mga ‘bakwits’ at pag-aaralan kung paano mas magiging epektibo ang ginagawang pagtulong ng Simbahang Katolika upang hindi na madagdagan ang bilang ng mga nasawi.

Matapos makapagpadala ng 1-milyong pisong cash assistance sa Diocese ng Ilagan, layon ng Caritas Manila at Radyo Veritas na pagtuunan ng pansin ang iba pang pangangailangan ng mga apektadong residente lalo na’t maaring pang magtagal ang pananatili ng mga ito sa mga evacuation centers.

Inaasahang dadalo sa pagpupulong ang Archdiocese of Cagayan De Oro at Obispo ng Prelatura ng Marawi na si Bishop Edwin Dela Peña, na siyang nakakasakop sa lugar kung saan mismong nagaganap ang kaguluhan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Disaster Communication Program ng Radyo Veritas sa ilang indibidwal at grupo na siya namang eksperto sa bahagi ng Psycho-Social Intervention lalo na’t isa ito sa mga nakikita ng Diocese of Iligan na kailangang bigyan pansin.

“Nakikita natin yung pangangailangan sa psycho-social intervention sa mga adults naman lalo na nagtatagal sila sa mga evacuation camps, karamihan dito [intervention] ay more on sa mga bata at kababaihan”.pahayag ni Fe Salimbangon, Social Action Coordinator ng Diocese of Iligan sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, umaasa si Fr. Ricardo Valencia, Priest Minister ng Disater Risk Reduction and Response Unit ng Caritas Manila na mapapa-igting ng Simbahan ang pagkilos na ginagawa nito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagbabahagi ng resources.

“Kailangan natin magtulong-tulong upang mas maging ganap ang pagkilos na ginagawa ng Simbahan”. Ani Fr. Valencia.

Magugunitang una ng inihayag ng Caritas Philippines na umabot na sa P10-milyong piso ang tulong na naibahagi ng ilang mga institusyon ng Simbahang Katolika para sa mga bakwits mula Marawi.

Sa datos ng Office of Civil Defense, tinatayang mahigit sa 102 libong Pamilya o mahigit sa 460 libong indibidwal ang nagsilikas dahil sa kaguluhan sa Marawi.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 8,611 total reads

 8,611 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 29,154 total reads

 29,154 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 93,991 total reads

 93,991 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 179,357 total reads

 179,357 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 226,093 total reads

 226,093 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 273,967 total reads

 273,967 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 373,163 total reads

 373,163 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,674 total reads

 113,674 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top