Segunda Manians, pinaralangan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 351 total views

Pinarangalan ng Caritas Manila ang 21 Segunda Manians o Ukay-ukay store owners na nagtapos sa ilalim ng value formation seminars at patuloy na tumatangkilik sa Segunda Mana.

Ayon kay Rosana Balicog, isa sa mga Segunda Manians na tumanggap ng pagkilala, malaking tulong ang naihatid ng pagbibenta niya ng mga secondhand items kung saan mula sa wala ay nakapagbukas siya ng dalawang Ukay-ukay Store na siyang bumubuhay ngayon sa kanyang pamilya.

“Nakatulong ang Segunda Mana sa pang-araw araw naming pangangailangan at ang pag-aaral ng mga anak namin. Sa awa ng Diyos, nagkapagbukas na rin kami ng dalawang tindahan dahil sa Caritas,” pahayag ni Balicog.

Ang mga Segunda Manians ang bumibili ng mga sako-sakong Class C items in-kind donations sa Segunda Mana, o ang mga gamit na wala na sa orihinal nitong porma ngunit maaari pang pakinabangan at ibenta sa murang halaga.

Kaugnay nito binigyang-diin ni Segunda Mana Program Manager Barry Camique na pangunahing layunin ng programa ang mabigyan ng kaalaman ang mga mahihirap na pamilya kung paano magsisimula ng negosyo habang inilalapit sila sa Panginoon na siyang itinuturing bilang ‘The Great Provider’.

“Napag-isipan namin na maliban sa sako na binibili nila sa atin at sa mga paninda natin in general, gusto namin silang bigyan ng isang magandang seminar at ito nga yung value formation. Dito ibinabahagi natin sa kanila mula espiritwalidad, livelihood, pakikipagkapwa-tao at tamang paghawak ng pera,” ani Camique.

Sa kabuuan, 40 na ang mga Segunda Manians na nakakumpleto sa value formation seminars kung saan 19 rito ay mula sa Batch 1, 21 sa Batch 2 habang ilulunsad naman sa darating na Setyembre ang ikatlong batch para sa mga nagnanais magsimula ng isang negosyo katuwang ang Caritas Manila.

Ipinapakita ng Segunda Mana ang pagsuporta ng Caritas Manila sa panawagan ng Santo Papa sa pagwawaksi ng kulturang patapon o “throw away culture” habang isinusulong ang environmental advocacy ng simbahan na reduce, reuse at recycle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 24,695 total views

 24,695 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 46,700 total views

 46,700 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 71,042 total views

 71,042 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 94,773 total views

 94,773 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 128,691 total views

 128,691 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 18,821 total views

 18,821 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 235,660 total views

 235,660 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top