Cyspace, gamitin sa sama-samang pananalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total views

Ito ang hamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo,chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity sa lahat ng mamamayang Filipino na gumagamit ng online world of computers at cellphones.

Ginawa ng Obispo ang panawagan sa pagpapatuloy ng inisyatibo ng CBCP-ECL na “online prayer meeting” o ang sama-samang pagdarasal online.

Inihayag ni Bisop Pabillo na ang pagsasagawa ng online prayer meeting ay isang bagong pamamaraan upang makapagsama-sama ang lahat ng mga mananampalataya saan mang panig ng muna para manalangin sa pamamagitan ng internet at ng social media.

Ibinahagi ni Bishop Pabillo ang pagpapatuloy ng online prayer meeting isang beses sa isang buwan.

“So maganda po yung karanasan namin sa pagkakaroon ng online prayer meeting kasi marami ang sumali, simula pa lang ngunit marami na ang sumali na sama-samang nagdarasal kaya ito po ay isang bagong pamamaraan din na gamitin ang venue ng cyber space upang sama tayong magdasal at naabot po natin sa iba’t ibang mga lugar, nagkakaisa tayo sa panalangin kaya balak po naming ipagpapatuloy ito atleast once a month na magkaroon tayo ng prayer meeting” pahayag ni Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Unang isinagawa ang online prayer meeting noong ika-27 ng Hulyo taong kasalukuyan kung saan pinangunahan ni Bishop Pabillo ang isang oras na pagdarasal sa temang “Peace in Our Country, Peace in Our Homes, Our Relationships and Ourselves” at natunghayan sa pamamagitan ng Veritas846.ph Facebook page ganap na alas-dose ng tanghali.

Kaugnay nito, sa pagtatapos ng buwan ay inaasahan naman ang muling pagsasagawa ng Online Prayer Meeting kung saan inaasahan namang tatalakayin ang Season of Creation at pangangalaga sa kalikasan.

Samantala batay sa pag-aaral ng Asia Digital Marketing Association (ADMA) noong 2015, ang Pilipinas ay ikalawa sa pinakamaraming gumagamit ng internet sa buong South East Asia na may 44.2 million o 94-porsiyento ang may social media accounts.(Reyn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 35,129 total views

 35,129 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 109,743 total views

 109,743 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 189,822 total views

 189,822 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 232,961 total views

 232,961 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 231,939 total views

 231,939 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top