Dissolution of marriage, magdudulot ng krisis sa pamilyang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total reads

Maaring maging daan lamang ng mas maraming problema sa pamilyang Filipino ang panukalang marriage dissolution na isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito ang pangamba ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz, Judicial Vicar of the National Tribunal Appeals ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

“Ano man pong dahilan ‘yung causes na sinasabi that will legitimize divorce or anything the like. Lahat po na ‘yan ay can be intentionally accomplished. Halimbawa, ‘yung hindi magkasundo, o kung ayaw ko na sa misis ko, di hindi ko na siya kakasunduin. Kung halimbawa ‘yung violence, ay grounds for marriage annulment or divorce, di bubuntalin ko ‘yung misis ko, tapos na. You can manufacture the grounds,” paliwanag ng arsobispo sa Radio Veritas.

Ayon kay Archbishop Cruz, maaring magdulot ng mas maraming bilang ng ‘broken marriages’ at ‘broken family’ sakaling maipatupad ang batas.

“At ang tanong ko, ilang kasal kaya ang puwede na gawin ng isang tao? Tatlo ba? Lima? Labing-siyam? Na papalit-palit. At kung ganun, ilang pamilya ang sinisira? Ilang mga bata ang kanilang value system ay sinisira rin,”ayon kay Archbishop Cruz.

Iginiit ni Archbishop Cruz na dapat palakasin ang katatagan ng bawat pamilya sa halip na bumuo ng batas na magpapahina sa pagsasama ng bawat mag-asawa.

Naninindigan ang arsobispo na hindi tamang baguhin ang mga batas para lamang sa interes ng iilan at makakasira sa sakramento ng kasal.
Base sa 2014 report ng Office of the Solicitor General, patuloy na lumalaki ang kaso ng mga annulment case o higit sa sampung libo ang naitala.

Sa ulat, nasa pagitan ng edad 21-25 taong gulang na nakapagsama sa pagitan ng 1-5 taon ang nagsusumite ng pagpapawalang bisa ng kasal at 50 porsiyento sa mga nagsasampa ng kaso ay pawang mga kababaihan.

Una na ring nanawagan si Pope Francis na paigtingin ang paghahanda bago ang pagpapakasal na ang layunin ay mapatatag ang pagsasama sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pagsubok na kakaharapin bilang mag-asawa.(Marian Navales-Pulgo)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,524 total reads

 73,524 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,030 total reads

 152,030 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,478 total reads

 185,478 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,775 total reads

 220,775 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,325 total reads

 444,325 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top