Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglalaan ng pork barrel funds sa libreng matrikula sa SUC’s,suportado ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 9,283 total views

Hinimok ni CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education at Diocese of San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga senador at kongresista na ilaan sa pagpopondo ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act ang kanilang 2018 pork barrel fund.

Ayon kay Bishop Mallari, kung magkakaisa ang mga mambabatas na ipaubaya ang kanilang Priority Development Assistance Fund ay magiging madali ang pagsasakatuparan ng nasabing programa.

“Mahalaga talaga na magtulungan ‘yung mga congressmen natin related kung papano ang magagawa na yung pork barrel nila ay mailagay sa maganda. At least may sigurado na pupuntahan talaga, yung free education ng nakakaraming mga kabataan natin,” panawagan ng Obispo.

Mababatid na hindi kasama sa panukalang 3.7 trilyong pisong 2018 national budget ang free education program na sinasabi ng Department of Budget and Management na pagkakagastusan ng 100-bilyong piso kada taon.

Kaugnay nito ay una nang inihayag ni Senate Committee on Finance Vice Chairman Panfilo Lacson at Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang pagbibigay ng kanilang pork barrel sa susunod na taon bilang suporta sa free education act, na ikinatuwa naman ni Bishop Mallari.

“Tayo ay natutuwa dito sa halimbawa na ipinakita sa atin nina Senator Lacson saka si Senator Sotto. Hiling natin na sana yung mga congressmen natin, hindi lamang siguro yung waiving kundi talagang upuan ito, pag-usapan ng mabuti. I hope they see yung dahilan why they should waive yung pork barrel nila and then I think they will easily be convinced,” ani ng Obispo.

Layunin ng bagong batas na mabigyan ng libreng edukasyon ang mga mahihirap ngunit kwalipikadong mag-aaral sa mga state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) at technical- vocational (tech-voc) schools sa buong Pilipinas.

Sa kabuuan, 112 state colleges and universities ang magiging benepisyaryo ng Republic Act 10931 sa susunod na taon kung saan 8 ay mula sa Metro Manila, 49 sa Luzon, 26 sa Visayas habang 29 naman ang mga SUCs sa Mindanao.

Naniniwala ang Kanyang Kabanalan Francisco na dapat bigyang importansya ng bawat isa ang edukasyon dahil susi ito sa pagtamo ng isang maginhawang buhay.(Ers Geronimo)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EDUCATION DUAL CRISIS

 65,418 total views

 65,418 total views Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor? Dahilan

Read More »

POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

 65,457 total views

 65,457 total views Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung

Read More »

Epal no more

 73,393 total views

 73,393 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 95,483 total views

 95,483 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 113,206 total views

 113,206 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 168,802 total views

 168,802 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 275,067 total views

 275,067 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 300,883 total views

 300,883 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 301,979 total views

 301,979 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »