Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Department of Overseas Filipino Workers, bawas pasanin sa migranteng Pilipino

SHARE THE TRUTH

 517 total views

Malaki ang maitutulong sa mamamayan kung maisasakatuparan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino Workers.

Sang-ayon si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chaiman Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People’s (CBCP-ECMI) sa adhikain ng pamahalaan na magkaroon ng ahensya na tututok sa mga O-F-W.

“Nakikita natin na malaking tulong sa mga OFW na kung saan ay hindi na sila,’yun bang nangyayari ngayon na, ituturo doon, pupunta doon, magbibiyahe sa isang lugar, pupunta sa isang lugar, papakuha ng mga papeles, punta sa OWWA, punta sa POEA, punta sa DFA. Maraming oras at maraming gastos ang nasasayang at naaksaya. At alam naman natin ang kanilang pagpunta pagka nagbakasyon dito sa Pilipinas ay mayroong araw, limitado ang kanilang panahon ng pananatili dito sa Pilipinas,” ayon kay Bishop Santos

Paliwanag ng Obispo, sa pamamagitan nito ay mapapaigsi ang mga proseso ng mga inihahain ng mga OFW sa ahensya at mapapabili din ang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

Sa panig naman ng simbahan, una na ring naisulong ang pagkakaroon ng migrants ministry sa bawat parokya na ang gawain ay magbigay ng gabay hindi lamang sa mga O-F-W kundi maging sa kanilang mga pamilya na maiiwan sa bansa.

Naunang hinamon ng Obispo ang pangulong Duterte na tuparin ang mga pangako nito sa O-F-Ws.

Read: http://www.veritas846.ph/walk-the-talk/

Sa tala ng Philippine Statistics Authority may 2.4 na milyon ang OFW sa iba’t ibang panig ng mundo -higit sa 1.2 milyon dito ay pawang mga babae.

Dagdag pa ng obispo, bukod sa karagdagang kita para sa bansa- nagsisilbi ring mga misyonaryo ng ating pananampalataya ang mga Filipino na nagtatrabaho sa iba’t – ibang bansa.(Ers Geronimo)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,427 total views

 6,427 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,411 total views

 24,411 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,348 total views

 44,348 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,541 total views

 61,541 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,916 total views

 74,916 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,498 total views

 16,498 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,825 total views

 71,825 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 97,640 total views

 97,640 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,952 total views

 135,952 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top