Bagong Obispo ng Batanes, ikinatuwa ang mainit na pagtanggap ng mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total views

Ikinagalak ng bagong Obispo ng Batanes na si Bishop Danilo Ulep ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga residente sa isla.

Isang araw matapos ang kanyang ‘instillation mass’ sa Santo Domingo Cathedral sa Basco, Batanes, Aminado si Bishop Ulep na nawala ang lahat ng kanyang pagod mula sa ilang araw na paghahanda at pagtungo sa isla mula sa kanyang lalawigan sa Archdiocese of Tuguegarao.

Batid ng bagong Obispo ang pagmamahal at pagtanggap sa kanya ng mga residente na 14 na taon din ginabayan ni Bishop Emeritus Camillo Gregorio.

“Mula nung ako’y dumating nung Sabado, at hanggang kahapon ginawa yung instillation at yung Canonical Celebration ay naramdaman ko yung pagmamahal ng mga tao, at yung ating mga sinasakupan dito sa Batanes, at ako’y napakasaya na kahit na medyo pagod dahil sa seremonya na ginanap ay parang nawala lahat ng pagod dahil sa init ng pagpaparamdam ng pagmamahal ng aking mga mamamayan dito sa Batanes.” pahayag ni Bishop Ulep.

Inihayag ni Bishop Ulep na ilan sa kanyang mga unang balak gawin bilang bagong Obispo ay kilalanin ang mga Kaparian sa Batanes at bisitahin ang mga parokya sa iba’t-ibang mga isla.

“Sa darating na mga araw, siyempre ay uunahin kong pasyalan at dadalawin ang mga iba’t ibang parokya, upang mas lalong makita ang ating mga sinasakupan at tuloy makilala rin nila ako at makita rin ng personal na dumating na ako bilang kanilang Pastol” Ani pa ni Bishop Ulep.

Samantala, batid ni Bishop Ulep ang suliranin ng Batanes pagdating sa mga kalamidad bagamat naniniwala ito sa kakayanan at kahandaan ng mga residente lalo na sa mga bagyo.

”Yan ay isang bagay na alam ko namang pinaghahandaan palagi ng taga-Batanes. Siguro, ang maganda pa nating banggitin ay yung mga bagyong daraan, unos na dadaan sa buhay ng bawat isa, sa taga Batanes, hindi lang yung literal na bagyo, kung hindi yung mga bagyong dumarating sa buhay nila, sa pamamagitan ng mga pagsubok, mga problema at hamon man ng buhay. Sa palagay ko naman, handang handa at palaging nakahanda ang ating mga sinasakupan sa Batanes.”pahayag ni Bishop Ulep

Batay sa datos ng taong 2015, hindi bababa sa 17 libong ang populasyon ng Batanes na binubuo ng sampung mga isla at 7 munisipalidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 32,242 total views

 32,242 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 60,593 total views

 60,593 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 128,323 total views

 128,323 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 151,474 total views

 151,474 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 219,283 total views

 219,283 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,354 total views

 92,354 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top