CBCP, kaisa ng mga biktima ng EJK sa paghahanap ng katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,403 total reads

Kaisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People o CBCP-ECMI sa laban para sa hustiya ni Lorenza Delos Santos, isang Overseas Filipino Worker (OFW) at ina ng Kian Loyd Delos Santos na pinaslang ng tatlong pulis Caloocan sa isinagawang Oplan Galugad sa Barangay 160.

Kasabay ng pakikisimpatya sa sinapit ng 17-anyos na biktima, lubos ang pagkadismaya ni CBCP-ECMI chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga pulis na sangkot sa pagpatay na sa halip protektahan at pagsilbihan ang taumbayan ay siya pa ngayong nagdudulot ng trahedya at pagkasira ng lipunan.

“We at CBCP ECMI sympathize with Lorenza and support her quest for justice for her son, Kian. Here is a dedicated mother, as an OFW, sacrifices everything for future of family, and tragically lost her son to those erring and evil minded policemen. Instead to protect and serve civilians which they are mandated to do, they become sinful and shameful agents of death and destruction,” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng Obispo na kailangang pagbayaran ng tatlong alagad ng batas ang ginawang pagpatay sa Grade 11 student at maibigay sa pamilya Delos Santos ang karampatang hustisya.

“Innocent life is lost with irresponsible and unlawful enactment of law. They should be severely investigated and prosecuted. Truth should prevail and justice be duly served,” ani Bishop Santos.

Naniniwala rin si Bishop Santos na sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos ay makakamit ni Lorenza, na isang domestic helper sa Saudi Arabia, ang hinahangad na katarungan para sa anak.

“We pray for the family of Lorenza to be strong and still hope in God’s mercy and trust God’s retributive justice. May Kian finds rest with God and live peacefully in Heaven,” panalangin ng Obispo.

Una nang inihayag ni Mrs. Delos Santos na hindi sapat ang pagkakasibak sa puwesto nina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz na bumaril sa menor-de-edad bagkus dapat silang maparusahan sa krimeng nagawa.

Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, ang pagpatay ay malinaw na paglabas sa ika-anim na utos ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 8,715 total reads

 8,715 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 43,776 total reads

 43,776 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,260 total reads

 80,260 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,472 total reads

 98,471 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,343 total reads

 182,342 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 215,969 total reads

 215,969 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,402 total reads

 355,402 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top