Pagkamatay ng menor-de-edad sa war on drugs, isang malungkot na katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

Nakalulungkot at nakapag-iinit ng damdamin ang pagkamatay ng isang menor de edad sa gitna ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Ayon kay Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary of CBCP Episcopal Commission on Youth, ang pagpatay sa sinuman ay isang pagsasayang ng buhay na dapat pagkalooban ng pangalawang pagkakataon upang makapagbago at itama ang nagawang mali.

Giit ng Pari, ito ang malungkot na katotohanan na nagaganap sa lipunan ngayon tulad ng pagkamatay ng 17-taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos sa Caloocan City.

“Sa totoo lang ito ay nakalulungkot at hindi lamang basta nakalulungkot kundi nakakapagpainit ng damdamin, isang buhay na sana kung may nagawang maliit na pagkakamali pero binigyan mo ng pagkakataon para makita ang kanyang sarili para sa pagbabago o para sa pagtatama…”pahayag ni Father Garganta sa panayam sa Radio Veritas.

Nilinaw ng Pari ang pakikiisa ng Simbahan sa layunin ng pamahalaan na magdulot ng malaking pagbabago sa lipunan ngunit hindi maaring idaan sa ‘shotcut’ o pagkitil sa buhay ang paghahanap ng solusyon sa suliranin ng bansa sa illegal na droga.

“Sila ay madala para sa pagbabago yun ang ating nais pero kung nasho-shortcut yung paraan para hanapin natin yung gamot o solusyon para sa suliranin at ang ibinubunga ay pag-aalis ng buhay medyo hindi ito katanggap tanggap kung ganito ang nagiging paraan at ang ibinubunga ay pagkasawi ng mga buhay…”Dagdag pa ni Fr. Garganta.

Kaugnay nito, batay sa inisyal na ulat ng mga otoridad sinasabing isang drug runner at nakipagbarilan ang binatilyo sa Caloocan City Police sa Barangay Santa Quiteria, Caloocan City noong ika-16 ng Agosto na taliwas naman sa mga nasaksihan ng ilang mga residente at naidokumento ng CCTV sa lugar.

Una na ring nagpalabas ng pahayag ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at CBCP President Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na mariin kumukundina sa panibagong serye ng operasyon ng mga pulis laban sa ilegal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan halos 32-indibidwal ang naitatalang napapatay kada araw.

Kaugnay nito, nakatakdang mag-alay ng siyam na araw na pananalangin ang buong Archdiocese of Manila, Archdiocese of Lingayen-Dagupan, Diocese of Balanga, Bataan at Diocese of Cubao para sa pangkabuuang kapayapaan at kaayusan ng buong bansa sa gitna ng patuloy na karahasan sa lipunan.

Read: Reflect, Pray and Act

Kampana ng Konsensiya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,442 total reads

 53,442 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,923 total reads

 132,923 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,368 total reads

 166,368 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,666 total reads

 201,666 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,063 total reads

 426,063 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,447 total reads

 297,447 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,565 total reads

 408,565 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top