Alagang hayop, ipakonsulta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 520 total reads

Hinimok ni Department of Agriculture Undersecretary for Operations Ariel Cayanan ang mamamayan na ikonsulta sa mga provincial veterinaries ang kanilang mga alaga partikular na ang mga manok, itik, at iba pang uri ng ibon.

Paliwanag ni Cayanan, ito ay upang ma-monitor ang kalagayan at ang dahilan ng pagkamatay ng mga hayop na may sakit sa loob ng bawat lalawigan at matukoy kung bird flu ang nakakaapekto dito.

“Meron po tayong tinatawag na provincial veterinary office, so yun po through the report sabi natin sa mga nagmamanok natin, nag po-poultry, pag may nakita po kayong hindi regular o[hindi] normal na pagkamatay ng manok, kabilang na po yung mortality na sumobra, ireport na po agad, at pag may nag report po, immediately po ay nagpapapunta tayo agad [ng tauhan],” pahayag ni Cayanan sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan naman ito sa media na mag-ingat sa pagpapalabas ng impormasyon upang hindi makalikha ng takot sa isipan ng mamamayan.

Iginiit ni Cayanan na kontrolado ng DA ang sitwasyon at walang dapat na ikabahala ang taumbayan sa sakit na bird flu.

“Naging polisiya na po namin na kapag pagbibigay ng impormasyong opisyal, isa lang po at yan po ay nanggagaling sa expert, at ang kalihim po ang nagbibigay ng balita para po opisyal po palagi. Kasi nagkakaroon ng fear at nagkakaroon ng impact sa ekonomiya natin,” dagdag pa ni Cayanan.

Nitong nakaraang martes tinanggal na ng ahensya ang ban sa pagta-transport ng mga manok na magmumula sa labas ng 7-kilometer Radius quarantine zone ng Pampanga at Nueva Ecija.

Gayunman, kinakailangang tiyakin din na mayroong transport permit at quarantine veterinary clearance ang mga ibabyaheng poultry stocks.

Sa Panlipunang katuruan ng Simbahan, pabor ito na kumita ang isang mamumuhunan, gayunman, kinakailangang tiyakin na ang mga negosyon nito ay walang masamang epekto sa buhay at kalusugan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 4,038 total reads

 4,038 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 43,628 total reads

 43,628 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 79,125 total reads

 79,125 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 305,395 total reads

 305,395 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 198,602 total reads

 198,602 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,333 total reads

 35,333 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,226 total reads

 28,226 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top