Ipawalang bisa ang Martial law sa Mindanao.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

Ito ang mariing panawagan ng mga Lumad kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang “Manilakbayan ng Pambansang Minorya 2017”.

Ang idineklarang batas militar ng Pangulong Duterte sa Mindanao na tatagal ng hanggang ika-31 ng Disyembre 2017 ang itinuturo ng mga Lumad na ginagamit at kinasangkapan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kasama ang mga maiimpluwensiyang negosyante para sila ay puwersahang lumayas o umalis sa kanilang ancestral domain o ancestral land sa Northern Mindanao.

Isiniwalat sa Radio Veritas ni Datu Jomorito Goaynon, spokesperson ng Manilakbayan ang marahas na dinaranas na pang-abuso ng mga Lumad dahil sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Ibinahagi ni Goaynon na dahil sa Batas Militar ay naging mas madali ang pagpapalayas sa kanila mula sa kanilang ancestral lands, pagsira sa kanilang mga paaralan at pang-aabuso hindi lamang sa mga katutubo kundi maging sa mga Maranao.

“Bitbit namin ngayon yung mga issue ng Moro, yung mga Maranao sa Marawi na hanggang sa ngayon ay patuloy yung aerial bombing, wasak na wasak na yung buong siyudad ng Marawi dahil sa pagdeklara ng Martial Law,” pahayag ni Goaynon sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Goaynon na hindi na nakapagsasaka at hindi na halos lumalabas sa bahay ang mga katutubong Lumad maging ang mga Maranao dahil sa takot na ituring silang mga miyembro ng New People’s Army at mga miyembro ng teroristang grupo na Maute o ISIS.

Bukod dito, mariing kinokondena ng mga katutubo ang hindi makataong pagwasak at pagsunog ng militar sa mga ipinatayong paaralan ng kanilang tribu dahil lamang sa hindi totoong paratang na ito ay paaralan ng rebeldeng komunista.

Read: Hindi NPA ang mga gurong Lumad

Dahil sa dinaranas na kaapihan at pang-aabuso, umaapela si Goaynon sa sambayanang Pilipino na suportahan at makiisa sa kanilang Manilakbayan 2017 na kasalukuyang may kampuhan sa University of the Philippines Diliman, Quezon City.

Umaasa si Goaynon na pakinggan at tugunan ng Pangulong Duterte ang kanilang panawagan na ipawalang bisa na ang batas militar at sagipin ang mga Lumad mula sa pang-aabuso ng mayayamang negosyante na nais kamkamin ang kanilang lupain.

“Nananawagan kami na sana matulungan ninyo kami sa lahat ng bagay-bagay, pagkain gamot at iba pang puwedeng suporta ninyo dito sa amin sa kampuhan sa UP Diliman, para magtagumpay yung aming paglalakbay at yung usapin na dinadala namin sa mga ahensya ng gobyerno ,” dagdag pa nito.

Samantala, bukod sa mga pagkain at gamot, hiniling din ni Goaynon na suportahan ang pansamantalang nagsisilbing paaralan ng mga katutubo at Maranao sa UP Diliman.

Pagbabahagi nito, tinawag nilang Bakwit School ang munting Learning Center na ibinahagi ng UP sa mga batang Lumad upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa gitna ng umiiral na Martial Law sa Mindanao.

“Yung Bakwit school ang malaking maitutulong doon at suportang pagkain pa rin gamot, at yung mga papel, ballpen at iba pang mga gamit sa pag-aaral nila ngayon kasi dito pa sila sa University of the Philippines Diliman, patuloy yung Bakwit school hanggang sa December hanggang i-lift yung Martial law,” panawagan ni Goaynon.

Ang Manilakbayan ng Pambansang Minorya 2017 ay mananatili sa UP Diliman hanggang ika-21 ng Septyembre.

Matapos ito, babalik na sa Mindanao ang ilan sa kanilang miyembro, habang maiiwan naman ang ilang mag-aaral sa ilalim ng pangangalaga ng unibersidad hanggang i-lift ng Pangulong Duterte ang batas militar sa Mindanao.

Ayon sa katuruan ng Simbahan, ang mga katutubo ay dapat na pinangangalagaan ng pamahalaan dahil ang mayamang kultura nito ang tunay na pinagmulan ng isang bansa.
Kinondena din ng Kanyang Kabanalan Francisco sa encyclical na Laudato Si ang ginagawang pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang lupain dahil sa pagpasok ng mga negosyo tulad ng plantasyon, mga power plant at pagmimina.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 1,588 total reads

 1,588 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 22,148 total reads

 22,148 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 84,116 total reads

 84,115 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 169,483 total reads

 169,482 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 216,219 total reads

 216,218 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 264,091 total reads

 264,091 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 363,883 total reads

 363,883 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 3,994 total reads

 3,994 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 44,216 total reads

 44,216 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 37,091 total reads

 37,091 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top