Pagsasapribado ng MTR-3, kinuwestiyon ng isang commuter group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 652 total reads

Kinuwestiyon ng commuter group ang planong pagsasapribado ng operasyon at maintenance ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Iginiit ng PARA Commuter’s Network na dapat manatili sa pamahalaan ang responsibilidad sa pagpapatakbo ng pampublikong transportasyon at paggamit ng pondo ng bayan para sa kapakanan ng mga pasahero.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Nanoy Rafael, convener ng PARA Commuter’s Network, hindi nangangahulugan ng mas mahusay na serbisyo ang paglipat ng operasyon sa pribadong sektor, lalo na kung tubo ang magiging pangunahing konsiderasyon ng operator.

“Sa tingin namin, ang privatization ay ang sukdulan talaga ng pagpapabaya ng gobyerno sa responsibilidad nito,” ayon kay Rafael.

Giit niya, dapat suriin kung may sapat na pondong maaaring ilaan ang pamahalaan upang mapahusay ang operasyon ng MRT-3, sa halip na ipasa sa pribadong kumpanya ang pamamahala nito.

Ayon pa sa PARA, mahalagang tiyaking ang kita mula sa pamasahe ay naibabalik sa pagpapabuti ng serbisyo, kabilang ang maintenance ng mga tren, pag-upgrade ng pasilidad at pagpapalawak ng kapasidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero.

Binanggit din ni Rafael ang mga naging problema sa serbisyo ng MRT-3 noong mga nakaraang taon, kabilang ang mga insidente ng pagkasira ng tren at pagkaantala ng biyahe.

Kinuwestiyon din niya ang dating kaayusan kung saan, ayon sa kanyang pahayag, nagbibigay ng subsidiya ang gobyerno upang matulungan ang pribadong operator na mabawi ang puhunan nito.

Para sa Rafael, dapat pag-aralan ang mga naging karanasan sa dating pamamahala ng tern bago muling ipagkatiwala sa pribadong sektor ang operasyon at maintenance nito.

Una ng inihayag ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasapribado ng operasyon at maintenance ng MRT-3 sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP), na nagkakahalaga ng tinatayang ₱103.6 bilyon.

Target ng kagawaran na maipagkaloob ang concession contract sa 2027. Kabilang sa mga layunin ng panukala ang pagpapahusay sa pagiging maaasahan ng mga tren, pagpapaikli sa oras ng paghihintay at pagpapalawak ng kapasidad ng linya.

Ayon sa DOTr, mananatili sa pamahalaan ang pagmamay-ari ng MRT-3 at ang kapangyarihang magtakda ng pamasahe. Ang pribadong concessionaire naman ang inaasahang mamamahala sa operasyon at maintenance at mamumuhunan sa mga kinakailangang pagpapahusay.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 1,507 total reads

 1,507 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 22,073 total reads

 22,073 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 84,035 total reads

 84,035 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 169,402 total reads

 169,402 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 216,138 total reads

 216,138 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 264,011 total reads

 264,011 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 363,805 total reads

 363,805 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 1,508 total reads

 1,508 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top