Pagpapatunog ng kampana para sa mga namayapa, ipinaalala ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 644 total reads

Muling ipinaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga parokya ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagpapatunog ng kampana.

Ang pagpapatunog ng kampana sa loob ng limang minute ay magsisimula ngayong September 14 dakong alas-otso ng gabi sa kapistahan ng Exaltation of the Cross.

Layunin nito ang pag-alaala sa mga namayapa at ang pagdarasal para sa kanilang kaluluwa lalu na sa mga napaslang dulot ng karahasan at mga biktima ng aborsiyon.

“Alas 8 ng gabi, buhayin po natin sa lahat ng parokya ng Archdiocese of Manila, ang dating tradisyon na nawala na. Yung alas-8 ng gabi na kinakampana ang bells ng parokya bilang pag-alaala sa mga namatay. Pag-alaala kay Kristo na pinatay, pag-alaala sa mga taong patuloy na pinapatay ng kahirapan, pagkagutom, bisyo, bala ng karahasan, ng aborsyon. Ang tawag po dyan ay De Profundis, yun po ay dasal from the depths of my heart, I cry unto you oh Lord. Alas 8 ng gabi, alalahanin natin ang mga namatay sa ating pamilya, mga kamag-anak, kaibigan at ang patuloy pang pinapatay. Communion with Christ on the cross, communion with those who are bearing their cross,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ang paalaala ni Cardinal tagle ay kasabay ng kanyang pagdiriwang ng misa para sa Bisperas ng kapistahan ng Exaltation of the Cross na ginanap sa Holy Cross Parish sa Makati.

Sa kanyang homiliya, pinaalalahanan ng kanyang Kabunyian ang mga mananampalataya na maging bahagi ng pagbubuklod sa halip na pagkakahati- hati.

Sinabi ni Cardinal Tagle na tulad ni Kristo ay maging daan ang bawat isa ng pagkakasundo-sundo sa halip na maging dahilan ng kaguluhan.

Sa inilabas na pastoral letter, pinaalalahanan ni Cardinal Tagle ang mga lider na hindi maaring pangasiwaan ang bansa sa pamamagitan ng hindi makataong pagpatay.

Read: Reflect, Pray and Act

Bukod kay Cardinal Tagle, kabilang sa nakipag concelebrate ang kura paroko na si Fr. Alfonzo Veleza at mga pari mula sa archdiocese of Manila.

Sa tala ng catholic hierarchy.com 2014, ang arkidiyosesis ay binubuo ng may 700 mga pari sa may 85 parokya para maglingkod sa higit 3 milyong mga katoliko.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 20,360 total reads

 20,360 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 81,479 total reads

 81,479 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 166,846 total reads

 166,846 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 213,582 total reads

 213,582 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 261,454 total reads

 261,454 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 361,363 total reads

 361,363 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top