Constitutional bodies, hindi maaring buwagin ng Pangulo at Kongreso.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Nanindigan si 1987 Constitutional Commission Member, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na hindi maaaring alisin o buwagin ng sinuman maging Presidente, Kongreso, o Senado ang mga Constitutional Bodies nang pamahalaan.

Kabilang sa mga constitutional bodies na tinutukoy ng Obispo ang Supreme Court, Commission on Elections, at Commission on Human Rights.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga ang bawat komisyon dahil may kanya-kanya itong gampanin sa pangangalaga ng mga karapatan ng bawat tao.

Dahil dito, naniniwala si Bishop Bacani na anumang gawing pagpapasya ng Kongreso laban sa CHR ay hindi ito magwawagi sa pagbuwag ng ahensya.

“Itinakda yan ng constitution, yan hindi maaalis, hindi maa-abolish by the will of congress or the president,” paglilinaw ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas. Ipinaliwanag din ng Obispo na maging ang mga namumuno sa bawat komisyon ay hindi maaaring basta na lamang tanggalin nang walang basehan, o dahil lamang kritiko ito ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ng Obispo na ang isang pinuno ng constitutional bodies ay maari lamang maalis sa tungkulin sa pagtatapos ng kanyang termino o sa pamamagitan ng impeachment proceedings.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Bishop Bacani na labis na kailangan ng Pilipinas sa panahon ngayon ang Komisyong nangangalaga sa karapatan ng mamamayan dahil sa madugong war on drugs at umiiral na martial law sa Mindanao.

““Kinakailangan merong magtatanggol sa mamamayan incase na yung nasa ating institusyon na tagapagtanggol ay sya pa namang aapi sa mga tao…Kakailanganin ito [CHR] ngayon, bakit? Tignan ninyo hindi pa nakakadalawang taon [ang Duterte Administration], walong libo na ang sinasabi na napapatay at marami d’yan talagang pinagsususpetyahan, alam naman nating gawa ng kapulisan, gawa ng mga opisyal ng gobyerno. E si Marcos labing pitong taon, tatlumpung libo lang ang napatay, e tayo, aabot lang tayo ng apat na taon, tatlumput dalawang libo na ang mapapatay,” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Sa kasalukuyan, ang CHR ay biktima ng pangha-harrass ng mga Kongresista kung saan 119 sa mga ito ang bumotong pabor na bigyan ng isang libong pisong budget ang komisyon habang 32 naman ang tumutol.

Ang desisyon ng mga Kongresista ay tinawag ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes na “stupid at shameful decision”.

Read: Isang libong pisong budget sa CHR, nakakahiyang ginawa ng Kongreso.

Nasasaad sa Executive Order 163 na inilabas noong May 5, 1987 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagbuo ng isang komisyon na poprotekta sa karapatan ng mamamayan laban sa pang-aabuso ng pamahalaan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 686 total reads

 686 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 21,282 total reads

 21,282 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 82,889 total reads

 82,889 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 168,256 total reads

 168,256 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 214,992 total reads

 214,992 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 262,865 total reads

 262,865 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 362,704 total reads

 362,704 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 3,836 total reads

 3,836 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 44,193 total reads

 44,193 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 37,067 total reads

 37,067 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top