Thanksgiving Mass, inialay sa Sanlakbay graduates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 625 total reads

Magandang handog para sa Mahal na Ina ang pagtatapos ng San Juan City ‘drug surrenderers’ kasabay ng ika-100 taon pagdiriwang ng huling pagpapakita ng mahal na birheng Maria sa Portugal.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo isa sa panawagan ng Mahal na Birhen ay ang pagbabagong loob at pagwawaksi ng kasalanan.

“Ating layunin ay walang iba kundi pagbabago. Hindi hindi ba iyan ang panawagan ng Mahal na Ina –pagbabago rin. Tulad nang narinig natin sa ebanghelyo sinabi ni Hesus ang mahalaga ay pakikinig sa salita ng Diyos at pagsasabuhay nito. Siguro naman sa loob ng 6 na buwan ay nakinig naman kayo. Pero kailangan nating itong isagawa, hindi lang sa 6 na buwan kundi sa mga susunod pang mga buwan ,” bahagi ng homiliya ni Bishop Pabillo.

Ang Thanksgiving Mass para sa pagtatapos ng mga drug dependent ay isinagawa sa Santo Cristo Parish sa San Juan kung saan nag-concelebrate din sa misa sina Fr. Bobby Dela Cruz ng Sanlakbay Priest Minister; Msgr. Nestor Cervo at Msgr. Bong Lo.

Hinikayat din ng obispo ang 80 drug surrenderers na nagsitapos sa 6-month drug rehabilation program ng “Sanlakbay Sa Pagbabago ng Buhay” na hikayatin din ang iba nilang mga kakilala na alipin ng masamang bisyo na sumailalim din sa programa para sa pagbabagong buhay.

“At alam nyo na hindi lamang kayo ang nalulong sa problema ng ilegal na droga. Meron pang iba, . may kakilala pa kayo. Kaya kayo na ang mag-anyaya. Sana hindi ito ang katapusan, tuloy tuloy ang programang ito.” 

Bukod sa mga recovered drug addicts kabilang din sa dumalo sina sa pagdiriwang sina San Juan Mayor Guia Gomez, Vice Mayor Janella Ejercito; at ang San Juan City Police na pinamamahalaan ni PSupt Lawrence Coop.

Isa isa ring tinanggap nga nagsipagtapos ang kanilang certificate o katibayan ng kanilang pagbabagong buhay.

Pinaalahanan din ni Bishop Pabillo ang bawat isa na maging matibay sa kanilang pananampalataya upang hindi na mabuyo sa kasamaan.

“Palakasin natin ang mga mag-asawa at pamilya. At iyan din ang hinihingi ng Mahal na Ina. At ang isang magandang sandata para mapag-isa ang pamilya ay ang Santo Rosaryo, ang pagdarasal sa bahay kasama ang buong pamilya,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ang Sanlakbay ay church initiative community based drug rehabilitation center ng Archdiocese of Manila katuwang ang Department of Health, Department of the Interior and Local Government at lokal na pamahalaan na ang layunin ay tulungan na maging kapakinakinabang na mamamayan sa lipunan ang mga nalulong sa ilegal na droga na nais na magbago.

Ang Arkidiyosesis ng Manila ay may kabuuang 94 na parokya, kung saan may 12 parokya na ang nagbukas ng community based rehabilitation, habang 16 pang mga parokya ang inaasahang magbubukas ngayong taon.

Itinakda naman sa October 21 ang unang taong pagdiriwang ng Sanlakbay na isasagawa sa San Agustin Church kung saan panungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa pasasalamat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,452 total reads

 127,452 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,388 total reads

 264,388 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,163 total reads

 380,163 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,359 total reads

 495,359 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top