Pagsusulong ng dignidad ng bata sa mundo ng internet

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total views

Mga Kapanalig, naganap noong unang linggo ng Oktubre ang World Congress on Child Dignity in the Digital Age sa Roma sa Italya, kung saan tinalakay ang mga isyung kinahaharap ng ating mga kabataan sa kanilang paggamit ng internet.

Kabataan ang mahigit sa 25% ng 3.2 bilyong taong gumagamit ng internet sa buong mundo. Sa maikling salita, isa sa apat na taong may access sa internet ay nasa edad na kailangan pang gabayan. Dito sa Pilipinas, ayon sa Survey on Cyberspace na ginawa ng Stairway Foundation at nilahukan ng mahigit 2,000 bata noong 2015, sinasabing 90% ang gumagamit ng internet para sa kanilang pag-aaral, para makapaglaro ng mga internet games, at makipag-usap sa kanilang mga kaibigan. Ngunit nakababahalang kalahati sa mga lumahok sa survey ang nagsabing walang nagpapaalala sa kanila tungklol ng mga panganib ng paggamit nila ng internet.

Sa isang banda, masasabing nakatutulong ang internet sa mga kabataan dahil nakakakuha sila ng impormasyong kailangan nila sa pag-aaral, nakapagsasabi sila ng kanilang saloobin kapag nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan sa social media, at nakapaglilibang sila. At sa ganitong paraan, naisusulong ang karapatan ng mga bata.

Sa kabilang banda, may potensyal din ang internet na ipahamak ang mga gumagamit nito, kabilang ang mga bata. Nariyan ang paggamit sa internet para sa cybersex na bumibiktima sa mga kabataan. Lantad din ang mga bata sa mga maling impormasyon at malisyosong balita (na tinatawag nga natin ngayong “fake news”) na nakaiimpluwensiya sa pag-iisip at pag-uugali ng ating kabataan. Malubhang problema rin ang pagkalat ng pornograpiya at terrorist propaganda. Nagiging daan din ang internet para sa cyberbullying gayundin sa child trafficking, kung saan kinukuha ang mga bata upang gamitin sa prostitusyon o child labor. Nilalabag ng lahat ng ito ang karapatan ng mga bata.

Nababahala si Pope Francis sa mga isyung ito, kaya’t sinabi niyang dapat gawing prayoridad ng lahat ang pangangalaga sa mga kabataan laban sa mga negatibong epekto ng paglahok nila sa tinatawag na “digital world” na nangyayari kapag gumagamit ang ating mga kabataan ng internet. Binigyang-diin din niyang sang-ayon ang Simbahang Katolika sa Target 16.2 ng Sustainable Development Goals ng United Nations na naglalayong itigil ang lahat ng anyo ng pang-aabuso, pananamantala, trafficking, at iba pang anyo ng pagpapahirap sa mga bata. Gaya ng sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan, “Dapat pangalagaan ng mga legal na sistema ang dignidad at karapatan ng mga bata sapagkat walang makapapantay sa halaga ng mga bata sa buong pamilya ng sangkatauhan.”

Mga Kapanalig, milyung-milyong bata ang naging biktima na ng mga pang-aabusong nagaganap sa digital world o internet. Walang panahong dapat aksayahin upang mailigtas sila laban sa mga peligrong ito. Hindi lamang teknikal na pagtugon ang kailangan. Mahalaga ang masusing pagtingin sa mga etikal at moral na aspeto ng paggamit ng internet. Hinihimok tayo ng Santo Papa na itaas ang kamalayan ng ating mga kabataan, pati na rin ng publiko, tungkol sa malulubhang panganib na dala ng iresponsableng paggamit ng internet. Kailangan ng komprehensibong pagtuturo sa ating kabataan tungkol sa kung papaano magagamit ang internet sa paraang makabubuti para sa kanila at sa kanilang kapwa. Kailangan silang turuan kung papano maiiwasang maging biktima ng mga krimeng gumagamit ng internet, at kung saan dudulog kapag nalabag ang kanilang karapatan. Makatutulong din ang mga batas na mangangalaga sa karapatan ng mga bata habang gumagamit sila ng internet.

Higit sa lahat, mga Kapanalig, tungkulin ng mga magulang na tiyaking hindi mapapahamak ang kanilang mga anak habang gumagamit sila ng internet. Hindi ito nangangahulugang pipigilan na natin silang mag-surf, makipag-chat, o manood ng video sa internet. Paglalaan natin ng panahon ang pakikipag-usap sa mga bata, at walang pagod na paalalahanan silang mag-isip bago mag-click.

Sumainyo ang katotohanan.

SONA ng Sambayanan 2026, isasabay sa SONA ni PBBM

 247 total views

Iginiit ni Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, na layunin ng SONA ng Sambayanan 2026 na maiparating ang tunay na kalagayan at hinaing ng mamamayan kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay Tendero, ang SONA ng Sambayanan ay hindi isang pagkilos upang maghasik ng kaguluhan o pagkakahati-hati, kundi isang mapayapang pagkakataon upang marinig ang boses ng mga ordinaryong Pilipino mula sa iba’t ibang sektor at panig ng bansa.

“Ang SONA ng Sambayanan ay ang pagpapahayag ng mga tao para sa kanilang kalagayan, para sa kanilang pagnanasa, para sa kanilang kahilingan, para sa magandang kinabukasan ng ating bayan. Hindi ito panggulo, hindi ito pagkakahati-hati, kundi nagkakaisa tayo na ipahayag ang ating damdamin at ang tunay na kalagayan ng ating lipunan,” pahayag ni Tendero sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng Evangelical Bishop na mahalagang mailahad ang kalagayan ng mga nasa kanayunan, mga maralitang pamilya, manggagawa, at iba pang sektor na patuloy na nakararanas ng kahirapan at kakulangan sa batayang serbisyo.

Aniya, ang panawagan ng SONA ng Sambayanan ay hindi lamang para sa Metro Manila kundi para sa lahat ng komunidad sa buong bansa.

Kasabay nito, hinimok ni Tendero ang mamamayan na samahan ng panalangin ang kanilang paninindigan upang gabayan ng Diyos ang mga namumuno at maisulong ang mabuting pamamahala.

“Lumapit tayo sa Diyos, manalangin, at hingin ang Kanyang gabay at patnubay upang ang mga namamahala sa atin ay gampanan ang kanilang tungkulin, masansala ang kasamaan, at mabigyang pagkilala ang gumagawa ng mabuti,” ani Tendero.

Binigyang-diin din ng opisyal ng World Evangelical Alliance na ang pamumuno at politika ay isang pananagutang nakatuon sa paglilingkod at hindi sa pansariling interes.

“Ang ating pamamahala at ang politika ay hindi hanapbuhay, ito ay nagbibigay-buhay. Ang ating panawagan ay mamuhay tayo nang may dangal, kaayusan, katarungan, at kapayapaan sa ating bayan, bunga ng pagkatakot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa at sa Pilipinas,” dagdag ni Tendero.

Ang nakatakdang SONA ng Sambayanan ay pangununahan ng Inter-Religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM).

Hindi sapat na bahagi lamang ng buhay ng tao si Hesus, kundi dapat siya ang sentro

 494 total views

Hinimok ng Canadian theologian at co-founder ng Catholic Christian Outreach (CCO) na si André Regnier ang mga mananampalataya na huwag manatili sa kaalamang pangkaisipan si Hesus kundi magpasya ng personal na tugon ng pananampalataya sa pamamagitan ng paglalagay kay Kristo bilang sentro ng kanilang buhay.

Sa bahagi ng Prayer Pathways sa unang araw ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), ipinaalala ni Regnier na bagama’t mahalagang maunawaan ang katauhan ni Hesus at ang Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi sapat ang paghanga o paniniwala mula sa malayo upang magkaroon ng tunay na ugnayan sa Panginoon.

“It is essential that we understand who Jesus is and what He has done for us. But knowing these truths intellectually is not enough. Simply believing them from a distance is not enough,” Bahagi ng pahayag ni Regnier.

Upang higit na maipaliwanag ang kahalagahan ng personal na pagtugon sa paanyaya ni Kristo, ibinahagi ni Regnier ang karanasan noong araw ng kanyang kasal kung saan hindi naging ganap ang kanilang tipan ng kanyang asawa hangga’t hindi nito naipapahayag ang salitang “I do” sa ilalim ng sakramento ng kasal.

Ayon kay Regnier, tulad ng pag-aasawa, nangangailangan din ng malayang pagtugon ang pakikipagkaibigan kay Hesus.

“Jesus has already offered us His friendship. The question is: Will we say yes?” Dagdag pa ni Regnier.

Hinamon din nito ang mga dumalo na suriin ang kanilang espirituwal na kalagayan sa pamamagitan ng pagtatanong kung si Hesus ba ay bahagi lamang ng kanilang buhay o tunay nang nasa pinakasentro nito.

“I’m not asking whether you’re a perfect Christian. I’m asking something much deeper. Where is Jesus in your life? Is He simply a part of your life? Or is He truly at the centre of your life?” Ayon pa kay Regnier.

Binigyang-diin din ni Regnier ang pahayag ni Pope Benedict XVI na nagsasabing walang mawawala sa sinumang magbubukas ng kanyang puso kay Kristo kundi sa halip ay matatanggap ang ganap na buhay.

“If we let Christ into our lives, He takes nothing away, and He gives you everything… Open wide the doors to Christ, and you will find true life,” pagbabahagi niya mula sa turo ng dating Santo Papa.

Kasunod nito ay inimbitahan ni Regnier ang mga kalahok na personal na ialay ang kanilang buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng Prayer of Commitment, kung saan sama-samang idinalangin ang pagtanggap kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanilang buhay.

Nagtapos ang sesyon sa pamamagitan ng tahimik na panalangin at paghingi ng panibagong paggabay ng Espiritu Santo, habang paulit-ulit na inaanyayahan ang mga kalahok na manalangin ng, “Come, Holy Spirit,” bilang panawagan ng patuloy na pagbabagong-loob at mas malalim na pakikipagkaisa kay Kristo.

Isinasagawa ang Prayer Pathways bilang isa sa mga pangunahing espirituwal na gawain ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na naglalayong akayin ang mga mananampalataya tungo sa mas malalim na personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo at panibagong sigla sa misyon ng ebanghelisasyon.

Higit na unawain ang tunay kahulugan ng banal na eukaristiya-Cardinal Tagle sa mananampalataya

 694 total views

Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mga mananampalataya na higit na unawain ang tunay na kahulugan ng Banal na Eukaristiya bilang sakramento ng pag-ibig at pagkakaibigan na dapat magbunga ng pagmamahal, malasakit, katarungan, at misyong Kristiyano sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito ang binigyang-diin ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, sa kanyang plenary reflection sa unang araw ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Ayon sa kardinal, hindi dapat limitado sa mga ritwal at seremonya ang pagtingin ng mga mananampalataya sa Eukaristiya sapagkat ito ang pagpapahayag ng pinakadakilang pag-ibig at pagkakaibigan ni Hesus sa sangkatauhan.

“The Eucharist is the Sacrament of Love. It is the Sacrament of Friendship,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang pananatili kay Kristo, batay sa panawagang “Remain in me,” ay isang panawagang aktibong pamumuhay ng pag-ibig.

“Remain in Jesus means loving. And love is active,” giit ng kardinal.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay dapat magbunga ng pagbabago sa pakikitungo ng mga mananampalataya sa kanilang kapwa, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Binigyang-diin ng opisyal na hindi maaaring ihiwalay ang pagsamba sa Diyos sa pananagutang magmahal at magbahagi sa kapwa.

“We cannot celebrate the breaking of the Bread during Mass and then, after Mass, practice the hoarding of bread—keeping everything for ourselves and refusing to share,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Sinabi pa ng kardinal na ang isang tunay na pamayanang eukaristiko ay nakikilala hindi lamang sa maayos na pagdiriwang ng Misa kundi sa paraan ng paggalang, pagmamalasakit, at pakikipagkaibigan sa kapwa.

“Relationships. Friendship. Respect. Compassion. These are the unmistakable marks of a truly Eucharistic community,” saad pa ng kardinal.

Paalala ni Cardinal Tagle na ang Huling Hapunan ay nagsilbing simula ng bagong kasaysayan ng pagkakaibigan sa kabila ng pagtataksil na naranasan ni Hesus.

Aniya, sa halip na gumanti, pinili ni Kristo ang pag-aalay ng sarili upang wakasan ang poot at paghihiganti.

Nagbabala rin si Cardinal Tagle laban sa pagdadala ng makamundong pagtingin sa loob ng pagdiriwang ng Eukaristiya, kabilang ang pagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa personalidad ng mga punong tagapagdiwang o sa mga panlabas na bagay sa halip na nakatuon ang presensya kay Kristo.

Aniya, ang sentro ng Eukaristiya ay si Hesus at hindi ang sinumang pari, obispo, o kardinal.

Tinukoy rin ng kardinal ang pagtatapos ng Misa bilang panawagan sa misyon at hindi lamang simpleng pagtatapos ng pagdiriwang.

“It is not simply dismissal. It is a mission,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag niyang ang bawat tumatanggap ng Katawan ni Kristo ay isinusugo upang ibahagi sa kapwa ang Salita ng Diyos, ang pag-ibig ni Kristo, at ang mabuting balita ng kaligtasan.

Binigyang-diin pa ni Cardinal Tagle na ang pagkakaibigang ipinamalas ni Hesus ay dapat ding maging huwaran ng bawat Kristiyano sa pakikitungo hindi lamang sa kapwa at sa sangnilikha.

“Jesus has treated us as His friends. Therefore, let us also treat our fellow human beings, and even the world itself, as our friends,” aniya.

Hinimok ng kardinal ang mga mananampalataya na hayaang hubugin ng Eukaristiya ang kanilang buong pamumuhay at hindi lamang ang kanilang pakikilahok sa Misa.

Dumalo sa unang araw ng PCNE XII ang halos 4, 000 mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 47,571 total views

 47,571 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,862 total views

 75,862 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 121,793 total views

 121,793 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 154,876 total views

 154,876 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 180,108 total views

 180,108 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 47,572 total views

 47,572 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,863 total views

 75,863 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 121,794 total views

 121,794 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 154,877 total views

 154,877 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »
Scroll to Top