Ipagdasal at ipagtirik din ng kandila ang mga buhay na patay ngayong Undas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total reads

Pinangunahan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang paglulunsad ng Padasal para sa mga Pinaslang: Undas ng kababaihan na ginanap sa San Roque Cathedral Caloocan City.

Ayon kay Bishop David, ito ay bilang paghahanda para sa pagggunita ng Undas na dalawang araw na ipinagdiriwang ng mga Filipino ang All Saints Day at All Souls Day.

Sa ganitong panahon ayon sa obispo ay hinihikayat ang lahat na magdasal at ipagtirik ng kandila ang lahat ng mga namayapa lalu na ang mga kaluluwang walang kapayapaan at tumatangis dahil sa kawalang katarungan.

Ito ayon sa Obispo ay yaong mga pinatay dahil sa digmaan at krimen kabilang na dito ang mga pinatay dahil sa giyera kontra droga na pinatawan ng parusang kamatayan kahit di pa napapatunayan ang pagkakasala.

“Kaya kasama sa mga ipinagtitirik natin ng kandila ang mga hindi namatay kundi pinatay, hindi nawalan ng buhay dahil binawi ng Diyos kundi binawi ng mga taong nagdi-Diyos-diyosan. Kaya isinasama natin sa mga ipinagtitirik natin ng kandila ang mga biktima ng mga krimen, ang mga napatay sa giyera sa Marawi, at higit sa lahat, ang mga pinaslang dahil sa malupit na giyera kontra-droga.” bahagi ng homiliya ni Bishop David.

Hinikayat din ni Bishop David ang lahat na ipagtirik ng kandila at ipagdasal ang mga taong bagama’t buhay pa ay patay na ang konsensya upang sila ay mabagabag at makintal ang manhid na kaluluwa tungo sa pagbabago.

“Higit sa lahat ipinagtitirik din natin ng kandila ang mga “buhay na patay”, ang mga buhay pa ang mga katawan ngunit namatayan na ng konsensya. Ipagtirik natin sila ng kandila hindi upang sila’y mapayapa, kundi upang sila’y mabagabag. Sa bisa ng panalanging kasabay ng pagsisindi ng kandila, nawa’y mapaso at makintal ang mga namamanhid nilang mga kaluluwa. Nawa’y magising na muli ang mga natutulog na budhi. Dahil mga anak din sila ng Diyos at nangangailangan din ng kaligtasan, idasal natin na marinig nila sa kanilang isip ang walang tigil na pagtuka ng mga sisiw na ilang araw na namalagi sa bintanang salamin ng mga ataol ng kanilang mga pinaslang ,” ayon kay Bishop David.

Ito ang mensahe ni Bishop David sa kanyang homiliya sa ipinagdiwang na misa sa San Roque Cathedral kung saan kabilang sa mga dumalo ang mga pamilya ng mga nabiktima ng tokhang, at drug surrenderers na bahagi ng Salubong –ang community based rehabilitation program ng Diocese ng Caloocan.

Una na ring pinuri ng kanyang kabanalan Pope Francis ang ginawang programa ng simbahan ng Pilipinas para tugunan ang problema ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Kabilang sa community based drug rehabilitation ng simbahan ang Sanlakbay at Kaunting Pahinga ng Archdiocese of Manila; Salubong ng Diocese ng Caloocan; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago ng Diocese ng Novaliches; Pastoral Approach to Rehabilitation and Reformation ng Diocese ng Cubao at Labang ng Archdiocese of Cebu.

Bago pa man ang kampanya ng administrasyon laban sa ipinagbabawal na droga, higit na sa 30 taon ang programa ng Diocese ng Malolos sa mga lulong sa bisyo –ang Galilee Homes na matatagpuan sa Dona Remedios Trinidad sa Angat, Bulacan at ang Fazenda de Esperanza sa Masbate.

Sa ulat, higit sa 13,000 katao na ang pinatay na may kaugnayan sa droga na hayagang kinondena ng Obispo at nanindigan rehabilitasyon at hindi pagpaslang ang dapat na tugon sa problema ng bansa hinggil sa ilegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,108 total reads

 53,108 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,610 total reads

 132,610 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,055 total reads

 166,055 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,353 total reads

 201,353 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,765 total reads

 425,765 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,451 total reads

 16,451 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top