Simbahan, hinimok na maghain ng “Writ of Amparo” laban sa war on drugs.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total reads

Nagsampa ng Writ of Amparo si Sister Maria Juanita Daño, Religious of the Good Shepherd(RGS) upang proteksyunan ang maraming buhay sa San Andres Bukid, Manila.

Ayon kay Sr. Daño, bilang madre ay bahagi ng tungkulin nito sa Diyos na protektahan ang buhay ng bawat tao na kaloob ng Panginoon.

Dahil dito, iginiit ng Madre ang paniniwala ng simbahan na hindi dapat basta na lamang patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Bilang madre ang mga madre ng mabuting pastol, isa naming thrust yung reconciliation at restorative justice, based sa aking experience na walong taon sa Africa, I worked with the prisoners, nakita ko na kapag buhay yung tao na nagkaksala mayroon pa siyang pagkakataon na magbagong buhay. So yun yung inilalaban ng Writ of Amparo.” Pahayag ng Madre sa Radyo Veritas.

Aminado si Sr. Daño na may kaunti itong takot kaugnay sa hakbang na kanyang ginawa napagsasampa ng Writ of Amparo subalit mas nananaig ang takot niyang hindi niya magampanan ang tungkuling iniatas sa kanya ng Panginoon.

“Mas takot ako kapag namatay ako na sasabihan ako [ng Diyos] na anong ginagawa mo during nung may mga namamatay, yung takot sa pulis, natabunan siya dahil sa takot sa Diyos na baka wala kong maisagot kapag ako’y namatay na anong ginawa mo nung buhay ka pa, yun ang pinaghuhugutan ng strength ko.” Dagdag pa ni Sr. Daño

Dahil dito, hinimok ng Madre ang iba pang mga relihiyoso at ang mga Diyosesis na gamitin ang legal na pamamaraan tulad ng pagsasampa ng Writ of Amparo upang maprotektahan ang kanilang lugar laban sa marahas na pagsasagawa ng mga operasyon kontra sa iligal na droga.

“Sana mag-gather together sila tapos tingnan nila, I encourage them to do the same kasi ang writ of Amparo is to protect at saka mamulat din ang kapulisan na gumagawa ng mali, baka hindi nila alam yung batas kaya ganun nalang ang ginagawa nila,” pahayag ni Sr. Daño.

Ang Writ of Amparo ay may pangunahing layunin na protektahan ang sinumang maghahain nito sa Korte Suprema laban sa banta sa kanyang buhay, kalayaan at seguridad ng mga opisyal o kawani ng pamahalaan.

Ang Writ of Amparo na idinulog ni Sr. Daño sa Supreme Court kasama ang iba pang 39 na petitioners ay humihingi ng proteksyon para sa 26 na kapitan ng mga barangay sa San Andres Bukid at sa mga residenteng nasasakupan ng mga naturang Barangay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 20,793 total reads

 20,793 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 57,294 total reads

 57,294 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 277,915 total reads

 277,915 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 312,583 total reads

 312,583 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 327,219 total reads

 327,219 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 386,077 total reads

 386,077 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top