Community based-drug rehab, matagumpay sa ugnayan ng Simbahan at komunidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total views

Mahalaga ang ugnayan ng Simbahan at komunidad sa pagpapatatag ng epektibong community based drug rehabilitation program.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Tony Labiao, Vicar-general for Pastoral Affairs ng Diocese of Novaliches sa naging istratehiya ng diyosesis sa pagpapalakas sa programa nitong nagbibigay suporta at gabay sa mga drug users.

Paliwanag ng Pari, mahalaga ang matatag na ugnayang ng Simbahan, barangay at ng mga pulis upang mas maging epektibo ang programa na ipinagkakaloob sa mga drug surrenderers na nagnanais na makapagbagong buhay.

Bukod dito, naniniwala rin si Fr. Labiao na mas magiging sustainable at magpapatuloy ang programa kung may malawak na pagtisipasyon ang bawat sektor sa buong pamayanan.

“Nagbuo kami ng management team para sila yung mangasiwa doon sa rehabilitation program ng mga drug users community based, ito yung produkto ng aming ugnayan sa barangay inexpand namin kasama na ang pulis tapos para merong mobilization talaga ng mga iba’t ibang volunteers stakeholders sa community para sila ang maging responsible sa pagpapatakbo ng programa kasi we believe we need to have to sustain and continue the program and its good to establish really into the local level…” pahayag sa Radio Veritas.

Nakapaloob sa kasalukuyang Community Based Drug Rehabilitation Program – Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago (CBDRP-AKAP) ng Diocese of Novaliches ang apat na aspekto para sa rehablitasyon ng mga susukong sangkot sa ilegal na droga sa kanilang lugar.

Kabilang ang kahalagahan ng pamilya; pangkabuhayan; spirituality at psycho-social intervention.

Katuwang ng Diocese of Novaliches sa naturang programa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang Quezon City Police Department at ang mga opisyal ng bawat barangay.

Sa tala nasa 500 na ang natulugan ng programa.

Tiniyak ni Father Labiao na masusing sinusubaybayan ng Diyosesis of Novaliches ang mga surrenderees sa kanilang rehabilitasyon upang mabigyan ng pagkakataong gumaling at makapagbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 98,907 total views

 98,907 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 142,515 total views

 142,515 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 224,559 total views

 224,559 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 233,501 total views

 233,501 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top