Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,356 total reads

Sa panahon ngayon, kapanalig, ang inobasyon ang kadalasan nagdidikta ng direksyon at tagumpay ng isang negosyo. Dahil sa inobasyon, nabibigyan ng distinksyon, kaibahan, at praktikalidad ang isang produkto o serbisyo.

Ang Philippine Institute of Development Studies o PIDS ay may isang pag-aaral na ginawa ukol sa pagsukat ng inobasyon sa hanay ng mga kompanya o firms sa bansa. Ayon sa pag-aaral na ito, ang inobasyon ay ang pag-implement o pagsakatuparan ng mga makabagong produkto, serbisyo, proseso ng produksyon, marketing, o paraang pag-organisasyon upang makaragdag ng halaga o value. Mahalaga na magkaroon tayo ng sukatan ng inobasyon dahil, ayon nga sa pagsusuri na ito, malaki ang kaugnayan nito sa paglago ng ekonomiya ng isang bansa.

Ayon sa pag-aaral nng PIDS, hindi aabot sa kalahati ng lahat ng mga negosyo sa bansa ang matuturing na innovators. Liban pa dito, kadalasan, ang mga innovators ay mga malakihang kumpanya, at hindi mga micro, small, and medium establishments (MSMEs).

Nakita rin ng pagsusuri na ito na karamihan sa mga inobasyon sa mga negosyo sa ating bansa ay kaugnay ng proseso, hindi produkto. At kadalasan, ang nagtutulak sa inobasyon ay gastos, at gastos din ang pangunahing balakid. Kung titingnan ang 2016 Global Innovation Index (GII) Report 2, pang 74 sa 128 ekonomiya ang Pilipinas pagdating sa “overall measure of the innovation climate.”  Ag GII ay sumusukat ng inobasyon sa mga institusyon ng isang bansa, pangtaong kapital (human capital) at pananaliksik, imprastraktura, sa merkado at negosyo, pati na rin sa knowledge o kaalaman, at teknolohiya.

Kailangan pa natin itaguyod at ipalaganap ang ispiritu ng inobasyon sa bansa. Nagbibigay kasi ito ng buhay at sigla hindi lamang isa mga negosyo, kundi sa merkado at mga akademikong institutusyon. Nililinang nito ang pag-iisip ng mga kabataan hindi lamang tungo sa mga imbensyon at makabagong ideya, kundi sa halaga ng praktikalidad at pananaliksik.

Kaya lamang kapanalig, napakaliit ng budget ng bayan para sa research and development, na siyang backbone o gulugod ng inobasyon. Nasa 0.14% lamang ng ating GDP ang gastos para sa R&D. Sa Singapore, na siyang benchmark ng marami, ay nasa 2.4%.

Kapanalig, ang Mater et Magistra ay may akmang katuruan ukol sa isyung ito. Ayon dito, ang bansang nasa gitna ng kahirapan at gutom ay dapat gumawa ng lahat ng paraan upang maibigay  sa lahat ng mga mamamayan ang kaukulang siyentipiko, teknikal, at propesyonal na kalinangan at kasanayan na kanilang kailangan. Dapat din ibigay sa kanila ang kailangang kapital upang mapabilis ang pagsulong ng ekonomiya sa tulong ng modernong paraan.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 5,057 total reads

 5,057 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 181,015 total reads

 181,015 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 212,746 total reads

 212,746 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 314,569 total reads

 314,569 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 355,127 total reads

 355,127 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 368,276 total reads

 368,276 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 181,016 total reads

 181,016 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 212,747 total reads

 212,747 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 314,570 total reads

 314,570 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 355,128 total reads

 355,128 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top