Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Year of the Parish hindi natatapos sa pagsisimula ng Year of the Clergy

SHARE THE TRUTH

 673 total views

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng misa sa pagtatapos ng Year of the Parish: Communion of Communities at ang pagbubukas naman ng pagdiriwang ng simbahan ng Year of the Clergy and Consecrated Persons: Renewed Servant Leaders for the New Evangelization sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate Manila.

Ayon kay Cardinal Tagle hindi nagtatapos ang Year of the Parish sa pagsisimula ng Year of the Clergy bagkus ito ay magkaugnay sa pagmimisyon ng simbahan sa komunidad na bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.

Giit ni Cardinal Tagle, mahalaga ang pagbubuklod at pagbabahagi ng mga biyaya na siyang pakahulugan ng pagmimisyon sa kapwa na nagbubunga ng ebanghelisasyon sa maraming tao.

“Sana, tuloy tayong lahat na siyasatin kung ano ang ating natatanggap para maibahagi sa sambayanan,” ang bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Kabilang din sa nagconcelebrate sa misa si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo at mga pari ng Archdiocese ng Manila.

Inilunsad din sa pagdiriwang ang official themesong na “Father bless them” na isinulat ni Fr. Carlo Magno Marcelo.

Tinatayang may higit sa 3,000 katao na kinatawan ng 13 vicariate ng Archdiocese of Manila ang nakiisa sa pagdiriwang.

Ang arkidiyosesis ay may 1,131 na pari na siyang nangangasiwa sa 13 vicariate na binubuo ng 86 na simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 8,642 total views

 8,642 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 19,772 total views

 19,772 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 45,133 total views

 45,133 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 55,742 total views

 55,742 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 76,595 total views

 76,595 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Online gambling, kinundena ng CBCP

 5,121 total views

 5,121 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Listahan ng mga bagong opisyal ng CBCP

 13,326 total views

 13,326 total views Kasabay ng paghalal sa mga bagong pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naghalal din ng mga bagong chairperson sa mga

Read More »

RELATED ARTICLES

50-pesos na wage hike, binatikos

 20,158 total views

 20,158 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top