Community based-drug rehab, matagumpay sa ugnayan ng Simbahan at komunidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total reads

Mahalaga ang ugnayan ng Simbahan at komunidad sa pagpapatatag ng epektibong community based drug rehabilitation program.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Tony Labiao, Vicar-general for Pastoral Affairs ng Diocese of Novaliches sa naging istratehiya ng diyosesis sa pagpapalakas sa programa nitong nagbibigay suporta at gabay sa mga drug users.

Paliwanag ng Pari, mahalaga ang matatag na ugnayang ng Simbahan, barangay at ng mga pulis upang mas maging epektibo ang programa na ipinagkakaloob sa mga drug surrenderers na nagnanais na makapagbagong buhay.

Bukod dito, naniniwala rin si Fr. Labiao na mas magiging sustainable at magpapatuloy ang programa kung may malawak na pagtisipasyon ang bawat sektor sa buong pamayanan.

“Nagbuo kami ng management team para sila yung mangasiwa doon sa rehabilitation program ng mga drug users community based, ito yung produkto ng aming ugnayan sa barangay inexpand namin kasama na ang pulis tapos para merong mobilization talaga ng mga iba’t ibang volunteers stakeholders sa community para sila ang maging responsible sa pagpapatakbo ng programa kasi we believe we need to have to sustain and continue the program and its good to establish really into the local level…” pahayag sa Radio Veritas.

Nakapaloob sa kasalukuyang Community Based Drug Rehabilitation Program – Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago (CBDRP-AKAP) ng Diocese of Novaliches ang apat na aspekto para sa rehablitasyon ng mga susukong sangkot sa ilegal na droga sa kanilang lugar.

Kabilang ang kahalagahan ng pamilya; pangkabuhayan; spirituality at psycho-social intervention.

Katuwang ng Diocese of Novaliches sa naturang programa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang Quezon City Police Department at ang mga opisyal ng bawat barangay.

Sa tala nasa 500 na ang natulugan ng programa.

Tiniyak ni Father Labiao na masusing sinusubaybayan ng Diyosesis of Novaliches ang mga surrenderees sa kanilang rehabilitasyon upang mabigyan ng pagkakataong gumaling at makapagbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 12,489 total reads

 12,489 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 94,026 total reads

 94,026 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 195,752 total reads

 195,752 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 232,540 total reads

 232,540 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 262,582 total reads

 262,582 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top