Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpaslang sa pari ng Diocese of San Jose, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total views

Kinondena ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija ang pagpatay sa isa sa kanilang pari na si Father Marcelito ‘Tito’ Paez na kilalang nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at magsasaka.

“Kami ang kaparian ng Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija, kaisa ng mahal na Obispo, ay mariin na kinukundena ang hindi makatarungan at marahas na pagpaslang kay Fr. Tito Paez,” pahayag ng Diocese ng San Jose.

Sa ulat, pinagbabaril si Father Paez ng hindi pa nakikilalang mga salarin na sakay ng motorsiklo habang ito ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija alas-8 ng gabi, December 4.

Naisugod pa sa San Leonardo Hospital ang pari bagama’t nasawi rin habang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong tama ng bala.

Nanawagan ang Diocese of San Jose sa mga kinauukulan na bigyang linaw at katarungan ang pagkamatay ni Father Paez.

“Kami ay nanawagan sa mga kinauukulan sa pamahalaan na bigyang linaw ang kaniyang kamatayan. Kami din ay nanawagan sa lahat ng mananampalataya na ipanalangin na magkaroon ng katarungan ang kaniyang pagkamatay at kapayapaan ng kaniyang kaluluwa,” pahayag ng Diyosesis na nilagdaan ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari.

Sa panayam ng Radio Veritas, itinuturing ni Bishop Mallari na malaking hamon ang marahas na pagkakapaslang kay Father Paez.

Ayon sa Obispo, kabilang sa misyong ginagampanan bilang pari ang maglingkod sa sambayanan ng Diyos na handang mag-alay ng sariling buhay lalo na sa Pilipinas kung saan ang mga kaparian ay patuloy na naninindigan sa katotohanan, sa pagkamit ng hustisya at naging boses sa mga taong maliliit sa lipunan.

“The challenge, yun bang, this is really our calling, yun bang to really serve the people up to the point offering one’s life. Medyo, it’s challenging. I think this is also a challenge for us priests, yun bang especially dito sa Pilipinas yung the readiness to stand for the truth, to stand for justice, to stand for the good of our people, especially those who have no voice.” Paglilinaw ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas

Si Fr. Paez ay 72 taong gulang at nagsilbing pari sa Diyosesis sa loob ng 32 taon.

Siya ay naging bahagi ng Social Action Center ng Diocese of San Jose at pinamunuan din ang tanggapan ng Justice and Peace.

Siya ay nagretiro taong 2015, bagama’t patuloy na naging aktibo at nakisangkot sa mga usaping panlipunan, lalu na sa pagsusulong ng karapatang pantao, magsasaka at mahihirap.

Nanawagan din ang Promotion of Church Peoples Response sa administrasyong Duterte para sa katarungan sa pagpatay kay Fr. Paez.

“We condemn in the strongest term such corwardly and brutal act against church people. He is publicly known as an advocate of human rights, peace and justice not only in his diocese but in the country. We call on all faithful to unite against evil forces that kills and spare no one. Let us strive with the people in their quest for peace and justice,” bahagi naman ng panawagan ng PCPR.

Si Fr. Paez ay miyembro rin ng Rural Missionariea of the Philippines at ng Promotion of Church Peoples Response (PCPR).

Huling natulungan ni Fr. Paez na makalaya ang isang political prisoner na nakulong sa Cabanatuan City Jail.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 13,914 total views

 13,914 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 29,610 total views

 29,610 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 38,010 total views

 38,010 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 102,484 total views

 102,484 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 169,172 total views

 169,172 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top