Caritas Manila RJ Ministry, nanawagan ng mga gamut para sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Nananawagan ang Caritas Manila-Restorative Justice on Prison Ministry ng tulong sa mga mananampalataya para sa mga gamot sa tuberculosis (TB) at pigsa para sa mga preso sa iba’t ibang kulungan sa bansa lalu na sa Metro Manila.

Ayon kay Sr. Zeny Cabrera ng Caritas Manila RJ Ministry, nagkakahawaan na ang mga preso ng sakit tulad ng TB at ilang pang mga sakit sa balat dahil na rin sa init ng panahon at masikip na piitan.

“Ang apela natin para sa mga kulungan sa panahong ito marami ang nagkakasakit ng TB sakit sa baga. So, gamot ang ating kailangan natin. At dahil yung over congestion sa mga bilangguan hindi ito isang problema na agad-agad na maso-solve pero makakatulong tayo kung makakapagbigay tayo ng gamot lalu na ang sakit sa balat, kapag hindi nalinis ay nagkakahawa-hawa sila,” ayon kay Sr. Cabrera sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Sr. Cabrera pansamantalang nahinto ang pagbibigay ng kumpisal sa Manila City Jail kaugnay na rin sa sakit sa baga na kumakalat sa loob ng bilangguan upang hindi makahawa sa mga pari na magbibigay ng sakramento.

“Alalay din natin sa mga pari na medyo paraanin muna. Yun ang sitwasyon,” paliwanag pa ng madre. Bukod sa mga pangangailangang gamot, umaapela rin ang madre sa mananampalataya na magbigay ng mga pagkain para sa mga bilanggo lalu’t patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nasa piitan at kinakapos na ang rasyon ng pagkain.”pahayag ni Sister Cabrera

Ayon kay Sr. Cabrera, makipag-ugnayan lamang sa RJ Ministry sa anumang tulong na maaring iabot para sa mga preso dahil sa mahigpit na pinapairal na seguridad sa mga kulungan.

Sa Manila City Jail noong 2016 ay may 4,000 ang mga preso ang nakakulong na para lamang sana sa 800 katao.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 55,322 total reads

 55,322 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 180,063 total reads

 180,063 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 265,430 total reads

 265,430 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 312,170 total reads

 312,170 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 360,036 total reads

 360,036 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 455,238 total reads

 455,238 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 55,323 total reads

 55,323 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top