Bank Secrecy Law, dapat luwagan-Archbishop Cruz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 347 total reads

Nanawagan si dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) – President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na luwagan ang pagpapatupad ng ‘Bank Secrecy Law’ at palakasin pa ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) upang hindi na makapasok pa ang mga tinaguriang ‘dirty money’ sa bansa.

Hiniling din ni Archbishop Cruz na amyendahan ang AMLA upang masaklaw nito ang mga casino upang hindi na ito magamit sa money-laundering activities ng mga kriminal sa gitna ng kontrobersyal na pagpasok sa bansa ng malaking halaga ng pera mula sa Bank Of Bangladesh noong nakaraang buwan..

“Ang masasabi ko tungkol sa bagay na yan kailangang repasuhin higit sa lahat ang AMLAC. Dito sa Pilipinas ngayon mayroong 35 casino that comprise Mindanao. At nakakapagtaka bakit ang mga casino ay exempted from AMLAC kaya pumapasok diyan ang perang marumi galing sa iba’t ibang lugar. Galing sa masasamang gawain papasok diyan, paglabas okay na. Ito nga marahil ang dapat tignan ng sa America at sa RCBC. Para kahit paano yung perang kinuha sa Bangladesh tapos ita – take charge pagdating dito dun sa RCBC etcetera may kinalaman yun sa money laundering,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Hinimok rin ng Arsobispo ang mga mambabatas na suriin ang pagpapaluwag ng ilang probisyon ukol sa ‘bank secrecy’, ng sa gayon ay magdadalawang-isip na ang mga kriminal na itago ang kanilang mga yaman sa Pilipinas.

“Tungkol sa bank secrecy law pwede ring pag – aralan kung paano huwag namang gamitin ang mga bangko sa kasalbaihan ng tao. Ang bangko dapat malinis yan at yan ay dapat pwedeng pagkatiwalaan ng bansa. Pero kapag ganyan tayo rin ang bansa rin ang maghihirap. Kaya sana pag – aralan rin ang batas ng bank secrecy law,” giit pa ni Cruz sa Veritas Patrol.

Sa record naman ng asiabet.org aabot sa humigit kumulang 40 na casino sa Pilipinas. Lahat ng ito ay pagmamay-ari o lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o (PAGCOR).

Kamakailan, naging kontrobersyal ang Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) matapos ideposito dito ang may $81-milyon na halaga ng pera na ninakaw mula sa Bangladesh ng mga hinihinalang international state-sponsored hackers

Nauna na ring ipinaalala ni Pope Francis sa mga kaparian na iwasan ang pagtanggap ng mga donasyon na nanggagaling sa maruming pera mula sa mga pasugalan at katiwalian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 56,094 total reads

 56,094 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 105,297 total reads

 105,297 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 153,169 total reads

 153,169 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 257,117 total reads

 257,117 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 340,381 total reads

 340,381 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 309,597 total reads

 309,597 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 416,744 total reads

 416,744 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top