140 total views
Umabot na sa 58 ang krimen sa bansa na kinasasangkutan ng mga nanunungkulan sa gobyerno mula ng ipatupad ang campaign period noong January 10, hanggang March 27, 2016.
Sa panayam ng Radyo Veritas, ayon kay Sr. Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police, sa bilang na ito apat ang kumpirmadong election related incidents na naganap sa Batangas, Bicol at Region 10.
“Election related violence, hindi kaagad agad na kina classify unless may resulta na ang imbestigasyon, suspected muna yung sa Laguna, may nagaganp na insidente na involved government officials pero minsan hindi election related ang insidente, kailangan may effect sa eleksyon, minsan motibo personal grudge at hindi pulitikal kaya hinihintay muna naming ang resulta ng imbestigasyon.” Ayon kay Mayor .
Noong 2010, nasa 166 ang election related violence habang nasa 109 naman noong 2013 elections.
Mariing nananawagan ang Simbahang Katolika sa mamamayan at sa mga awtoridad na magtulungan upang maiwasan kundi man ganap na mawala ang karahasan sa tuwing halalan.