Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtaas ng singil sa sin tax, pinaboran ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 339 total views

Pinaburan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang target ng Bureau of Internal Revenue o BIR na pagtataas ng kanilang magiging singil sa mga tinatawag na “sin products” tulad ng alak at sigarilyo ng hanggang sa P150.4 billion ngayon taon.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, nakabubuti ang ganitong implementasyon upang tuluyang umiwas ang mga tao sa mga bisyong ito.

Umaasa naman ang obispo na sana ay napupunta sa tamang proyekto ng pangkalusugan ang buwis na ipinapatong sa mga “sin products.”

“Dapat ang mga sin products na yan ay talagang bigyan ng malaking tax para yung mga tao sa halip na gumastos diyan na mataas na yung presyo hindi na sila gagastos sa ganyan. Dapat talagang paigtingin ng gobyerno ang pangongolekta sa mga ito. Kaya kawawa sila magkakasakit sila at magtataas pa yung presyo ng bilihin yun yung dahilan upang hindi na sila gumamit ng ganyang produkto dahil nakakasama sa kanilang kalusugan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Nabatid na noong nagdaang taon umabot sa P100 billion ang nakolektang tax ng BIR mula sa sigarilyo, P28.3 billion sa mga fermented liquor, P13.5 billion mula sa distilled spirits at compounded liquors, at P50 million naman mula sa wines.

Samantala, lumalabas sa datos ng BIR na tumaas ang excise taxes sa alak at sigarilyo sa simula pa lang ng taong ito ng 37.4 percent, na nagkakahalaga ng P18.5 billion sa pagtatapos ng buwanng Pebrero.

Nakasaad naman sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga – Corinto kabanata 6 talata 19 na ang ating mga katawan ay templo ng Espiritu Santo na dapat nating pangalagaan at pabanalin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,635 total views

 17,635 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,723 total views

 33,723 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,443 total views

 71,443 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,394 total views

 82,394 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,980 total views

 25,980 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 63,093 total views

 63,093 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 88,908 total views

 88,908 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 129,695 total views

 129,695 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top